Nagising siya sa mga kaluskos sa tabi. She opened her eyes and came face to face with the half-naked Langdon. Nakahantad ang buong kakisigan nito at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa nakaumbok na bagay sa ibaba ng puson nito.
Basa pa ang buhok na halatang galing pa lang sa shower at tumutulo ang tubig pababa sa mamasel na dibdib nito.
He's standing on the side of the sofa bed while peering on the window.
She just looked at him with her sleepy eyes until he turned to her and stared too.
"Good morning," he huskily greeted and walked to the couch to pick up his jeans.
Balewala itong nagbihis sa harap niya kaya agad niyang itinutok ang tingin sa ibang direksiyon.
"I'm done. You can look at me now."
Nag-iinit pa rin ang mga pisnging bumangon siya at nag-inat. Inayos niya ang buhok at inabot ang salamin at isinuot.
"Now, Cin. You want me to go into the details of our situation right now or you want to shower first."
Imbis na sumagot ay iba ang naisip niyang sabihin.
"Natulog ka ba, Lang?"
He paused, blinked thrice, and stared at her nose.
"I did."
Bumaba ang tingin nito sa kabuuan niya na nagtagal sa may bandang tiyan niya.
"Shower or you want to get into business now?" he asked and turned his glance away to the side.
Nginitian niya ito at inayos ang salamin sa mata at itinuro ang pinto ng banyo.
"Ligo lang ako."
Pagpasok niya sa banyo ay doon pa lang niya pinakawalan ang malaking ngiti. Sinapo niya ang mga namumulang pisngi at kagat ang mga labing pumikit.
She's not gonna lie. The overpowering feeling of throwing up in a good way is a reminder that she's happy that she's been stuck in this situation with him. She thought it's weird and horrible for her to feel this way given the dangerous situation but she's just grateful that she has Langdon by her side during this time.
She trusts him and she has this thinking that he will not let anything happen to her.
Pagkatapos maligo ay natigilan siya sa naalala. She has no clothes. Wala nga pala silang nadala ni isang gamit niya maliban sa cellphone sa bulsa niya.
Kaya inabot niya ang black bathrobe sa rack para isuot at sinigurong napakahigpit ng pagkakatali niya. Iyon nga lang ay nagmukha siyang hanger sa robe na umabot hanggang talampakan niya.
Ipinulupot niya ang tuwalya sa ulo, isinuot ulit ang salamin saka lumabas. Langdon is sitting on the sofa bed already dressed in his jackets while cleaning his gun.
"A-Ano... Wala kasi akong pamalit kaya hiniram ko na. Pahiram, ha," mahina niyang saad nang tumutok ang mga mata ni Langdon sa kaniya at tumigil sa ginagawa.
He stared at his robe and she heard a faint murmur from him.
"I have spare clothes for you. You can use them."
Tumayo ito at nilapitan siya. Nagtatakang tiningnan niya si Langdon pero hindi ito nagsalita. Napaatras siya nang mas ilapit pa nito ang sarili sa kaniya.
Unti-unting tumaas ang kamay nito at bumaba ang mukha sa kaniya. Napaawang siya sa iniaakto ng lalake.
What is he doing? W-What...
And then she heard a click from the door behind her. Bumalik sa sofa bed si Langdon at nilagyan ng bala ang magasin. Napakurap naman siya at nagkulay-sili ang mukha sa pagkapahiya.
"Cin."
Tumikhim siya at inayos ang frame ng salamin bago ito nilingon.
"B-Bakit?"
"Sit down so we could talk."
Itinuro nito ang sofa sa harap gamit ang baril nito.
Hinawakan niya ang tali ng robe at sumunod. Langdon put his gun back to the holster and faced her with his clasped hands on the front.
"You need to go home now, Cin. Delikado ang sitwasyon ngayon. You know what happened last night. Wala akong sapat na tao para protektahan ka. You will be just an additional baggage. Leave this afternoon. But don't worry, you will be justly compensated just what I had promised."
Hindi siya nakasagot. Nagbaba lang siya ng tingin dahil sa magkahalong takot, lungkot, at pag-aalala.
She has nowhere to go.
"Pero hindi pa tapos ang trabaho ko sa iyo. Hindi ko pa tapos i-encode ang lahat. Ang dami pang naiwan."
"I can take care of it. Eat before I drive you home."
Pinanatili niya ang mga nanunubig na mata sa sahig. Ayaw niyang magtaas ng mukha dito dahil baka tuluyan na siyang maiyak.
Saan ba kasi siya nito ihahatid? Okay lang sana kung may lugar siyang masasabi dito-bahay na tinitirhan niya o kaya ay kahit sa kamag-anak niya. Pero wala siya ni isa kasi hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasaan ang kapatid niya. Hindi niya rin makontak ang mga magulang niya.
"Pero kasi... Langdon... Wala na akong mapupuntahan. W-Wala akong home na sinasabi mo."
Pinahid niya ang tumulong luha at pumikit.
"H-Hindi pa ako tinatawagan ng... ng kamag-anak ko na nangako sa akin na babalikan niya ako kaya pwede bang... dito muna ako sa iyo?"
Nagtaas siya ng tingin dito.
"Promise, hindi ako magiging pabigat sa iyo. Susundin ko lahat ng sasabihin mo. Bibilisan ko ang trabaho. Hindi rin ako maarte at maselan. Medyo malabo lang ang paningin ko pero may salamin naman kaya okay lang 'di ba? 'Di ba?"
Wala itong reaksiyon noong una. Nakatitig lang ito sa kaniya ng may pagdadalawang-isip.
"You are a scared cat," wika nito pagkaraan ng ilang sandali.
Umayos siya ng upo at inubos ang luha sa mukha gamit ang likod ng palad.
"Hindi na. Magiging matapang na ako."
"Still a scared cat."
"O-Oo pero tatapangan ko na. Promise."
Umiling ito at inabot ang isa pang baril sa gilid, may munting ngiti na sumungaw sa labi.
"Fine."
Nanlaki ang kaniyang mga mata at tinakpan ang bibig ng kamay.
"F-Fine? Payag ka na dito muna ako sa iyo?"
Tumayo ito at may kinuha sa dining chair. Napasunod siya ng tingin dito.
"Oo, dito ka muna sa akin," sabi nito pagbalik sabay lapag ng damit sa kandungan niya.
"Talaga? Payag ka na talaga? Sure ka na ba, Lang?"
He went back to his seat and strapped the other gun inside his jacket.
"Don't make me repeat my words but let me warn you, I will have no responsibility of protecting you. You took it upon yourself to stay here so protect yourself well."
He stood up and met her eyes.
"Eat and get dressed. May pupuntahan tayo."
Naglakad ito patungo sa pinto.
"Lang," mabilis niyang tawag dito.
She saw him froze for a moment and stayed in his position waiting for her to say something.
"Thank you. Thank you for letting me stay."
Hinawakan nito ang doorknob bago tiningnan siya.
She adjusted her frames and smiled shyly at him, smudges of tears still on her face.
"Thank you, Lang."
Hindi ito sumagot. Bumaba ang tingin nito sa ilong niya, tumiim ang mga labi saka tuluy-tuloy na lumabas ng bahay.
Naiwan siyang nagtataka sa naging asal nito.