"If someone asks you who you are, give them a fake name and tell them you're with me," sabi ni Langdon sa kaniya nang tumigil ang sasakyan sa labas ng isang mansiyon.
She nodded her head and looked at the house with curiousity.
"Sige," sagot niya at bumaling sa lalake na hinubad ang jacket at ibinigay sa kaniya.
Ipinatong niya ito sa suot niyang makapal na t-shirt na mula rin dito.
"Here."
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang baril na inaabot sa kaniya. Mabilis siyang umiling at inilayo ang kamay nito na hawak ang baril.
"Hindi ako marunong gumamit niyan. Hindi ako marunong pumatay."
He snorted and pulled her to him by the jacket. Napasinghap siya sa ginawa nito lalo na at kaunting pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha.
Ito na ang naglagay ng baril sa compartment sa loob ng jacket. Tumikhim siya at pigil ang hininga nang muntik na nitong masagi ang dibdib niya na walang takip na bra sa loob.
"You don't have to kill anyone inside. Makita lang nila na may baril ka ay sapat na iyon na dahilan para hindi ka nila lapitan. Let's go."
Sumunod siya sa pagbaba nito at pagpasok sa malaking bahay na walang katao-tao maliban na lamang sa mga security guards na sumaludo sa binata.
Humawak siya sa laylayan ng t-shirt ni Langdon nang nasa hagdan na sila paakyat sa second floor.
"Lang, bakit pa kailangan may baril eh wala namang katao-tao dito? At bakit parang hindi naman ito bahay na tipikal. Tingnan mo o, walang mga gamit, puro upuan lang. Ano ba itong lugar na ito? Are we still here on Cerro Roca? Magtatagal ba tayo dito?"
"It'll be just a quickie."
Tumigil ito sa paglalakad at itinuro ang isang couch sa tabi ng veranda.
"Sit. Keep your hand in the gun and remember what I told you to say. Wait for me here."
Hindi na siya nito hinintay na tumango dahil agad na itong nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan tungo sa ikatlong palapag. Wala na siyang nagawa kundi maupo at tingalain ito hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Ngayong nag-iisa na siya ay pinakiramdaman niya ang napakatahimik na kabahayan. There's no one inside this structure, she thought when she didn't hear anything from anyone in the floor.
Isinandal niya ang ulo at pumikit para saglit na ipahinga ang isip pero bigla rin siyang dumilat agad nang may narinig na mga yabag na papalapit.
Five big tall men with equally five big guns in their hands were walking towards her.
Natulala siya sa takot at wala sa loob na nailabas ang baril mula sa jacket at parang baby na niyakap habang awang ang bibig at namumutla ang mukha na nakatingin sa mga ito na ngayon ay nakatitig na rin sa gawi niya.
Huminto ang isang lalake na nakasuot ng black cap sa harapan niya at walang emosyon na tinitigan siya. His stare is cold and piercing that she can't help but swallow the lump on her throat.
"Who are you?" dumagundong ang boses nito at nag-echo sa buong bahay.
Idinuyan niya ang baril sa kandungan at nanginginig na sumagot.
"I-I'm Cin a-and I'm with Lang, I mean Langdon."
Bumungisngis ang isang lalake sa tabi nito.
"Langdon? Lord, I never realized our cousin is into children these days."
Mas lalo siyang namutla sa narinig. Cousin? These men are Langdon's cousins which means...
"Where is he?" tanong ng isa pang lalake.
Ininguso niya ang hagdan habang pinaglipat-lipat ang tingin sa baril niya at sa mga baril ng mga lalake. Halatang walang panama ang sa kaniya.
"Iniwan ka niya dito? Wow! That guy is a walking chivalrous encyclopedia," singit naman ng isa pang lalake na itinukod ang hawak na baril sa sahig at itinutok ang buong atensiyon sa kaniya.
Hinigpitan niya ang yakap sa baril at sa maliit na boses ay nagsalita.
"Ang sabi niya sa akin walang kakanti sa akin kapag nakita niyo na may baril ako."
Naghagalpakan ng tawa ang lahat maliban sa unang lalake na may amused na ngiti sa labi.
"Are you his daughter?"
"Nah, she's too goodlooking and innocent to be his kid."
"What happened?" tanong ng isa pang kasamahan ng mga ito na ngayon lang niya narinig magsalita.
Sinalubong niya ang asul na mata ito at marahang umiling saka nagbaba ng tingin. She can't put Langdon in danger.
"Tara na. Don't traumatize the kid," yaya ng isa pang tinig.
Lumapit sa kaniya ang huling lalaki na nagtanong at inayos ang jacket niya para maitago ang baril.
"No one here will be scared with your toy gun, little miss."
Nag-angat siya ng mata sa mabait na bukas ng mukha nito. He stood up, smiled at her and followed the other guys.
Inalog niya ang hawak na baril at sinubukang kalabitin ang gatilyo only to end up in embarrassment when it released a funky loud pop song and the men from the distance heartily laughed.
Nag-iinit ang pisnging tinakbo niya ang hagdan paakyat at sinubukang hanapin ang pinto na maaring pinasukan ng binata. Nang mabigo ay sumalampak na lang siya ng upo sa sahig at sinapo ang namumulang mukha para palisin ang pagkapahiya.
"That was so embarrassing," she whispered while looking at the toy gun on her lap.
"They're not as bad as I thought Asturias are," usal niya sa isip nang maalala ang mga lalake.
All her life, she was indoctrinated that their nemesis were the worst, that they inhabit beastiality but with Langdon and those guys, she can't feel any of that with them.
Itinuwid niya ang mga paa at hinintay na may sumungaw na Langdon. Inilabas niya ang cellphone sa bulsa at sinubukang tawagan ang kapatid pero wala pa ring sumasagot ni isa.
She breathed hard and tried to call her parents when the door to her right opened.
Bumaling siya at umaliwalas ang mukha nang makita si Langdon na may pasak na sigarilyo sa bibig, magulo ang buhok at may pawis pa sa noo. Umakto siyang tatayo pero naudlot din iyon nang lumitaw sa likod ng lalake ang hubad na katawan ng babae na inabot ang batok ni Langdon at kinuyumos ito ng halik.
Napalis ang ngiti niya at bumaba ang tingin sa bukas na butones ng pantalon ni Langdon na litaw pa ang waistband ng boxer shorts. Pinilit niyang tingnan uli ang dalawa pero nag-iwas uli siya ng tingin nang hapitin ni Langdon ang puwet ng babae at tugunin ang halik nito.
He definitely had s*x with the woman inside.
Kumurap siya para pigilan ang pag-iinit ng mga mata. Umusbong ang isang napakapamilyar na emosyon na matagal na niyang pinabagayan.
She's hurt and jealous but she knows that she has no right to feel them because she's Alcindra and he's Langdon.
Hinawakan niya ang gatilyo ng baril at pinatunog ito. Umalingawngaw ang matinis na kanta sa ere kaya agad na naghiwalay ang dalawa. Nabigla naman siya sa nagawa kaya agad niyang itinago sa loob ng jacket ang baril at kagat ang labi na sinalubong ang mata ni Langdon. Sinulyapan niya ang nakakunot-noong babae at inayos ang frame ng salamin.
Napangiwi siya at namula ang mukha.
"Sorry. Ituloy niyo na," saad niya nang nakayuko saka tumalikod at malalaki ang hakbang na bumaba ng hagdan.
Nagtuloy siya hanggang sa kotse saka hinawakan ang dibdib na napakalakas ng t***k. Hinihingal na hinubad niya ang salamin at pinalis ang luhang hindi niya namalayan na tumulo na pala.
Huminga siya nang malalim at inayos ang sarili. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Langdon kasunod ang babae na nakaangkla pa sa bisig nito.
Lumapit si Langdon sa kotse para buksan ang pinto sa gilid ng driver's seat kaya umatras siya at gumilid para sumakay sa likod. Naramdaman niya ang tingin ni Langdon sa kaniya pero hindi na siya lumingon pa. Pumasok ang babae sa passenger's seat at nginitian nang matamis si Langdon sabay haplos sa hita nito.
Nagbawi siya ng tingin at itinutok ang mata sa labas.
"Who is she?" narinig niyang tanong ng babae sa kalagitnaan ng biyahe nang siguro ay naubusan na sila nang mapag-uusapan.
Langdon glanced at her from the mirror.
"A kid. A scared conservative little kid," sagot nito sabay kuha ng hydro flask at umang sa kaniya.
Inayos niya ang salamin at inabot ang tubig para uminom.
"Hello po," kiming bati niya sa babae na tinaasan lang siya ng kilay.
Tumawa si Langdon nang tingnan niya ito.
"That's a kid, Martia," warning nito.
"She doesn't look like one to me. This is exactly your type, Langdon. Innocent, kind, and always needs a saving just like—"
Natigil ito sa pagsasalita nang biglang umiba ang timpla ng mukha ng lalake.
"I'm sorry," kambyo nito at nanahimik na.
Kahit nang bumaba ang babae sa tapat ng isang restaurant ay hindi na ito kinibo ni Langdon.
Hindi nito kaagad pinaandar ang kotse at tiningnan lang siya sa salamin.
"Bakit?" tanong niya nang prente lang itong nakahawak sa manibela at nakatitig sa kaniya.
He moved his head towards the empty seat beside him.
"Lipat ka."
Napakurap siya sa kakaibang hagod ng init sa puso niya.
"O-Okay..."
Nang makasakay na siya sa tabi nito ay saka pa lang nito pinaandar ang kotse. Umisod siya sa gilid at tumingin uli sa labas.
That scene kept replaying in her mind. The way the woman kissed Langdon and how he responded to it, the way he cupped her butt and pushed her to the wall.
She must be feeling repulsed at this moment because of witnessing such a disgusting view but she's far from being sickened.
Mahapdi ang lalamunan niya at parang may punyal na nakatarak sa dibdib niya.
"You didn't do what I told you to do," he said when they reached the house.
"Ano, Lang. Hindi ko talaga intensiyon na bulabugin kayong dalawa kanina. Hindi ko alam na... na nag..."
Pumikit siya nang hindi niya kayang sabihin ang salita.
"It's not my intention of seeing you guys na nag-aano. I'm sorry for disturbing you," ani niya sa nag-iinit na mukha.
Kumilos ito para maupo sa tabi niya at itinaas ang kamay para abutin siya. Naramdaman niya ang daliri nito sa pulso niya. Wala sa loob na napapiksi siya at lumayo rito.
Langdon shook his head and reached for the gun beside her seat. Mas lalo pang namula ang mukha niya.
"It's just s*x, Alcindra. Everyone does it. No reason for you to act like that. I didn't kill a man. Yet. That's when you could display your moral high horse on me. "
Nginisihan siya nito at pinatunog ang baril.
"Why? Are you disgusted by me? But I don't remember you feeling that way when you heard us in the public bathroom."
Mabilis siyang tumingin dito sa gulat at hindi malaman ang gagawin nang mabasa niya sa mga mata nito na nakilala siya nito mula nang una silang magkita sa loob ng CR sa restaurant kung saan na-witness niya ang hiwalayan nito at ni Claire.
Inayos niya ang salamin at ibinuka ang bibig para may sabihin pero tuwing tinitingnan niya ang nakataas na sulok ng bibig nito ay hinihiling na lang niya na sana ay nagka-amnesia na lang ito.
"You knew it was me all along?" she whispered hoping that her ears were just playing on her.
Pinatunog nito uli ang baril at nagkibit'balikat.
"For a trained eye, you're easy to remember and easy to forget. Too common."
Parang kidlat na agad siyang lumapit dito at humawak sa laylayan ng shirt nito. Walang emosyon na tinitigan ni Langdon ang parte ng damit nito na nababakat niya dahil sa paghila.
"I'm not disgusted by you. I'll never be. Ano lang... I'm..."
She met his cold green blue eyes and closed her eyes when she still can't find the words.
"You just found it to be repulsive."
Ibinuka niya ang mga mata at mariing umiling.
"No! I'm just shocked and embarrassed. That's all. Hindi lang talaga ako sanay."
Tumayo na si Langdon at ginulo ang buhok niya.
"Stop it. I'm just playing on you." He looked at his wristwatch. "Eat. It's almost 12."
Pero hindi siya mapakali kaya hinila niya uli ang t-shirt nito.
"I'm not really disgusted with you, Lang. Promise," giit niya sa may piyok na boses.
Langdon turned to her without a smile and pinched her right cheek.
"Tama na iyan. Paiyak ka na. I believe you."
Doon pa lang siya nakahinga nang maluwag.
"Gusto mo ng chocolate drink?"
And it's when he gave her a wide smile and shook his head.
"At nang-uto pa. Eat. I'll just make a call."
Pinihit nito ang doorknob pero pinigil niya ang kamay nito. He jerked but didn't move to remove her hand. Bumaling ito sa kaniya at naging matiim ang titig.
"Y-You don't want a chocolate drink?" anas niya sa nanunuyong lalamunan.
Langdon's eyes traveled down to her nose and then to her lips and gulped.
"I want one," he answered abruptly.
She smiled shyly at him and adjusted her frames. Inalis niya rin ang nanlalamig na kamay sa ibabaw nito.
"Okay. Titirhan kita."
Siya na ang nagbukas sa pinto at pinalabas ang binata na hindi pa rin maputol ang kakaibang tingin sa kaniya.