Malalim na ang tulog ni Langdon pero nakatanghod pa rin siya dito mula sa pagkakahiga sa sofa bed. He is sleeping on the couch with his left hand over his head.
Bumaba ang tingin niya sa bibig nito at naalala na naman niya ang mga nasaksihan niya kanina.
Kumirot ang kaniyang dibdib habang nagpa-ulit-ulit ang eksena kanina. Mapait siyang ngumiti at ipinagpatuloy ang tahimik na pagmamasid dito.
Tanggap naman niya na wala silang pag-asawang dalawa. Wala siyang pag-asa kay Langdon dahil nakakulong pa rin ito sa kahapon. Hanggang dito lang siya. Tanggap niya niya na iyon.
She'll just love him silently on her own simple secret ways.
She knew how he loved his girlfriend so much. Iyong babae kanina, alam niya ring alam nito ang pinapasok nito.
A man like him is not for anyone's keeping. He is stuck in his past, in his beautiful but tragic past in the name of that lovely woman.
Kumilos ang binata at sa bahagyang lamlam ng lamp shade ay naaninag niya ang mga mata nito na tumutok sa kaniya.
"Can't sleep?" he asked in his groggy voice and sat down while brushing his hair.
Umupo na rin siya sa kama at tumango.
"Nakatulog ako kaninang tanghali. Tulog ka na ulit."
Umiling ito at inabot ang susi sa center table.
"Can't sleep again. You up for a drive?"
Mabilis siyang tumayo, isinuot ang salamin, at lumapit dito.
"Sure! Saan? Pahiram jacket. Malamig, eh."
Kinuha nito ang suot nitong jacket mula sa sofa at marahang inilagay sa mukha niya. Isinuot niya iyon at lumabas kasama ang binata na siyang nag-lock ng pinto. Nauna na siyang sumakay sa kotse at binuksan ang bintana para pumasok ang malamig na hangin.
Humantong sila sa nag-iisang breakwater ng Cerro Roca na pag-aari ng mga Gastrell na nangunguna sa shipbuilding na negosyo sa buong bansa.
Saglit na iniwan siya nito sa pampang at pagbalik ay may dala ng dalawang umuusok na baso. Tumabi si Langdon sa kaniya at ibinigay ang gatas. Tinanggap niya iyon at humigop saka inaliw ang sarili sa tanawin.
Malakas ang hangin at ang hampas ng alon na kitang-kita dahil sa ilaw mula sa watchtower sa unahan. Ang buwan ay natatabunan pa ng mga ulap.
Binundol niya sa Langdon gamit ang siko at iniumang ang baso dito.
"Pahingi."
Inilayo naman nito ang baso sa kaniya.
"Hindi ka makakatulog. Drink your milk."
"Ikaw rin hindi makakatulog. Samahan na lang kita. Sige na. Kaunti lang."
Nagbuntunghininga ito at nilagyan ang baso niya.
"Hala naparami mo. Ibalik ko ha."
Inalog niya ang sariling baso at nilagyan ang kay Langdon.
"Kulang. Lagyan mo pa," saad nito.
Napahagikhik na lang siya nang sa huli ay parehong naging kape-gatas ang iniinom nila.
"Lang, paano ka napunta dito sa Cerro Roca?" pagbubukas niya ng usapan.
"Hmmm."
Uminom muna ito bago tiningnan siya. Inilagay naman niya ang baso sa tabi at itinaas ang tuhod at niyakap, ang buhok niya ay isinasayaw nang marahas na hangin. Ready na siyang makinig sa kwento nito.
"Been here since ages ago. Nauna pa ako sa mga Hermosa dito," tukoy nito sa unang pamilyang nag-develop sa lugar. "Studied abroad, lived a little of my life there, went home from traveling with an empty heart because of things kids like you won't understand."
"Same age bracket lang tayo. I'm 20, you're 26. I'm not a kid by definition."
Langdon smirked and pointed his finger to my mouth.
"May gatas ka pa sa labi."
Mabilis niyang pinahid ang bibig at nahihiyang nginitian ito. Kinuha niya ang baso at uminom uli pero humaharang ang buhok niya sa mukha kaya umaabot sa bibig niya.
"Let me."
Umusod ito palapit sa kaniya at ipinusod ang kaniyang buhok at itinago sa loob ng jacket. Parang tumigil ang kaniyang paghinga nang sumagi ang mga daliri nito sa batok niya nang ipasok nito ang buhok niya sa collar ng jacket.
"T-Thank you," medyo putol-putol niya na pasasalamat bago inubos ang gatas para magkaroon siya ng alibi na hindi ito muna tingnan.
"Hmmm," she heard him say and stood up after getting their cups.
Umalis ito at pagbalik ay may dala na namang isang baso ng gatas at dalawang bote ng beer. Ibinigay nito ang gatas sa kaniya saka binuksan ang beer gamit ang ngipin nito.
"How 'bout you? How'd you get here? Hindi ka mukhang taga-taal dito."
"Bago lang kami dito. Kasama ko ang kapatid ko kaso hanggang ngayon ay hindi pa niya ako binabalikan."
Naging mabigat ang kaniyang paghinga nang masanggi ang masakit na kalagayan niya ngayon.
"You can find him with the money you'll get from me."
Nginitian niya ito nang matamis.
"Kaya pagbubutihan ko ang pagtatrabaho at magpapakabait ako para sulit ang ibabayad mo."
"You forgot one thing. You need to pay off all the chocolate drinks you hoarded."
She laughed and giggled at his insinuation. Medyo nagugulat siya na malamang marunong pala itong magbiro.
Natahimik na silang dalawa habang nakatanaw sa dagat at sa buwan na unti-unti nang nagpapakita.
"Lang, nagmahal ka na ba?" she bravely asked when the stars in the sky appeared one by one.
Naramdaman niya na natigilan ito sa pagdala ng bote sa bibig. Sa huli ay itinuloy nito ang pag-inom.
"Why ask? You curious?" tanong nito na may kahalong diin sa tinig.
"Oo. I... I have this crush kasi and alam mo na. Wait, am I overstepping the boundaries?"
Naging mahigpit ang hawak nito sa bote nang maging malayo ang tingin nito. The waves crashed hard on the banks and the wind blew harshly. Humulagpos ang buhok niya sa jacket at nagsayaw uli sa hangin.
"Alam mo bang hanggang ngayon ay hindi matapos-tapos ang construction ng dike nito? There's a story from the locals here about a mermaid chipping away the blocks every dawn just to give the man she loves a reason to continue building it."
She smiled but deep down she's hurting so bad. Langdon's metaphor is an indirect way of saying that his love for her will never end. He will continue to build the dike forever.
"Do you want to try it again? Do you wanna fall in love again?"
"Cin, you will only try again if you failed the first time of trying."
Ouch.
Naghikab siya kunwari para may dahilan siya kung bakit naluluha siya.
"Naku, hindi ako maka-relate masyado," pagsisinungaling niya. "Pero do you recommend it?"
"What? Falling in love?"
"Yes."
"Only when you know how to kill."
"H-Ha?"
Dumilim ang mukha nito saka inubos ang alak pagkatapos ay tumayo.
"Come on. We've been here for too long. Mahirap na."
Kahit naguluhan sa biglaang pagbabago ng emosyon nito ay sumunod na lang siya. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa at bantulot na humawak sa laylayan ng t-shirt nito.
Hindi na muling nagsalita pa si Langdon sa daan pauwi. Binalikan naman niya ang pag-uusap para alamin kung bakit nagkaganoon ito pero wala siyang napala.
Kill what? Feelings? Persons? Should she take it literally or figuratively? She doesn't know.
Nilingon niya ang binata na wala na uling emosyon sa mata. Ang tanging nagawa na lang niya ay kumapit sa upuan nang bilisan pa nito ang pagpapatakbo.