14

2177 Words
Walang lakad si Langdon buong araw kaya nasa loob lang sila ng bahay at tinatapos ang pag-e-encode. Wala pa rin siyang ideya kung ano bang klaseng panganib ang kinakaharap o tinatakasan nito dahil hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig nito. Kanina pa niya ito ninanakawan ng sulyap mula nang bumalik ito mula sa labas para bumili ng grocery. Wala itong ni isang salita na sinabi pero ramdam niya ang galit na nagmumula rito. His eyes are narrowing down on every single thing in the house except her so she can't help but wonder what happened. Tumayo siya mula sa sofa bed at maingat na itinabi ang laptop para kumuha nang maiinom sa ref. Nagdadalawang-isip siya kung bibigyan ba niya ito o hindi pero hindi rin siya nakatiis kaya bago pa niya mapigil ang sarili ay mabilis na siyang naglakad papunta sa sofa at inilagay sa tabi nito ang isang lata ng alak. He only gave her a quick look and went back to his laptop again. Bumalik na rin siya sa ginagawa. Dumating ang tanghalian pero wala pa rin siyang naririnig ni isang tunog mula rito. Naligo na lang siya at umidlip sandali. Nagising siya ng bandang hapon dahil sa hinihingal na boses. Nagmulat siya ng mata at saktong nag-landing ito kay Langdon na nasa sahig, nakahubad ang taas exposing his heavily toned body habang nagpu-push-up. Tumutulo sa sahig ang pawis nito. Sa half-asleep na estado ay nakuha pa niyang ngumiti bago sumagap ng hangin at bumalik sa pagtulog. Nang magising ulit siya ay wala na ang lalake. Disoriented na umupo siya at kinusot ang mga mata. A door opened and out came a smell of a soap and aftershave. Narinig niya ang papalapit na yabag papunta sa kama niya pero hindi siya gumalaw sa pagkakaupo habang nagpupunas ng muta. Napaigtad siya dahil sa bolta-boltaheng kuryente na dumaan sa balat niya ng may basang kamay ang dumaiti sa hindi niya alam na nakahantad na tiyan at ibinaba ang damit niya. Agad siyang nagmulat ng mga mata at napasinghap nang makita si Langdon, fresh from shower, suot ang robe na hiniram niya, nakaluhod sa harap niya at ibinubutones ang pangtulog niya. Napigil niya ang hininga nang tumutok sa kaniya ang mata nito habang eksperto ang mga kamay sa pagbubutones. "Ms. Conservative should always be covered up," he spoke in a low tone. Nang matapos ay isinuot nito sa kaniya ang salamin at tumayo. Doon pa lang siya nakahinga nang maluwag. Hinawakan niya ang nabasang tiyan dahil sa ginawa nito at napakagat-labi. Her heart is racing again in a familiar tune. "Are you fully awake now?" Mabilis siyang tumayo para harapin ang nakabihis na si Langdon. "Oo," mahina niyang sagot sabay ayos sa salamin. He gave her a long hard look and nodded. "Good. We need to go somewhere. You can eat your food in the car." They hit the road in a minute. Habang pinapapak ang burger at chocolate drink ay panay ang tingin niya kay Langdon na nakatuon ang mata sa daan. He's on his usual self again. Cold, silent, and so far from her reach. "Lang, saan tayo pupunta?" basag niya sa katahimikan nang umabot na sila sa isang oras sa kalsada. "How old are you again?" he answered her question with one. Nilunok muna niya ang tubig saka sumagot. "20. Bakit?" "You're old enough." Kumambyo ito bigla at mas binilisan pa ang biyahe kung kaya't hindi niya naiwasang mapakapit dito dahil sa gulat. Pumasok sila sa arko ng siyudad ng Sevilla at huminto sa harap ng isang establishment na alam na niya kung ano base pa lang sa mga ilaw at ingay. "Anong gagawin natin sa isang club, Lang?" Wala na naman siyang napalang sagot mula rito. He went out of the car to open her side and propped her to go down. Pagkatapos ay bigla siya nitong inakbayan at hinalikan sa ulo na nakapagpalaki ng mga mata niya. "Lang... What are you doing?" Bumaba ang mainit na hininga nito sa tenga niya at binulungan siya. "There are eyes around. Just let me do what I needed to do. You got it? Hmmm?" Hinapit siya nito papunta sa katawan nito at inilipat ang kamay mula sa balikat papunta sa bewang niya at humaplos doon. "Okay. Ikaw ang bahala pero talaga bang papasok ako sa loob niyan na ganito ang suot? Nakapantulog lang ako." Tiningnan niya ang sarili at nakangiwing itinuro ang suot. Sinundan din nito ng tingin ang pajamas niya. "That's fine. As I said, you need to be always covered up. Come on." Hinila na siya nito papasok sa club. May ipinakitang card si Langdon sa security bago sila pinapasok. "Oh God," nasambit niya ng ang unang tumambad kaagad sa kaniya ay ang isang couple na naghahalikan sa bungad ng entrance. Napakaingay ng paligid dahil sa nakakabinging tugtog na nagmumula sa disk jockey. May naghihiyawan, nagtatawanan nang malakas, at may nakita pa nga siyang nag-aaway sa gilid. Masakit sa mga mata ang iba't ibang kulay ng ilaw. This. She hated this view. "Relax. Act naturally," he whispered in her ear again. "Put your arms on my waist," utos nito nang makarating na sila sa naggigitgitang dancefloor. Sinunod niya ito at namumula ang mukhang nagbaba ng tingin nang lumapat ang katawan niya sa harapan ng binata. "Uhm Lang, bakit tayo nandito?" hindi niya napigilang tanong nang hindi pa rin siya pinapakawalan nito. Hindi naman sa hindi niya gusto ang nangyayari. She likes it very much but she's also not dumb to know that there's a reason why he's doing it. May dumaang mga lalaki sa gilid niya at nabangga si Langdon. Hindi naman nito iyon ininda at balewalang pinrotektahan lang siya. "Keep it safe with your life," mariing wika ni Langdon. Nagtatakang nagtaas siya ng mukha dito. "Ha?" But she realized he didn't say it to her. Kahit nakatingin ito sa kaniya ay alam niyang hindi nakadirekta sa kaniya ang mga sinabi nito. She looked to his back to a group of men who passed by them earlier and then to Langdon who nodded at her. Doon pa lang niya naintindihan ang lahat. Nginitian niya ito at inayos ang salamin bago kumapit sa leeg nito para magsalita sa may tenga nito "Gets ko na. Ganun pala iyon?" Langdon smiled to her and cupped her face to her surprise. "Tonight let me teach you something important, Cin. You up to it?" May bumundol sa likod niya kaya mas lalo siyang napadikit kay Langdon na mabilis naman siyang inalalayan. Naaaliw na tinitigan niya ang pagsasayaw ng mga paiba-ibang kulay ng ilaw sa mukha ni Langdon. "Ano iyon?" sigaw niya para marinig siya nito. Bumigat ang paghinga nito habang unti-unting bumababa ang mukha sa kaniya. "Deception," he mumbled before he captured her lips for a mouthful kiss. Hindi siya nakakilos sa kinatatayuan. Nakabuka lang ang bibig niya at nanlalaki ang mga mata habang patuloy siyang hinahalikan ni Langdon. He gently nibbled her lower lip while kissing her in between but she didn't give any reaction. Lumilipad ang buong katawan at utak niya papunta sa lugar na hindi niya alam kung ano. Animo parang bulang naglaho ang lahat ng ingay sa paligid at ang pumalit ay ang dumadagundong na t***k ng puso niya na umaaasang magkakaroon ng katuparan ang matagal ng hiling. She started questioning herself if this is even happening but the way Langdon swiped his tongue against her lips is enough for her senses to stop doing their duties. Parang hinalukay ang kaniyang buong pagkatao sa nangyayari. Wala na siyang maramdamang iba kundi ang init at galaw ng labi ng binata. Ipinikit niya ang mga mata at handa na sanang tugunin ang halik nito pero tumigil na si Langdon at balewalang binitawan siya. "They're gone. Let's go." Hinila nito ang kamay niya at nagmamada silang lumabas ng club. Biglang nawala ang saya at nahigop palayo ang pag-asang naramdaman niya kanina sa reyalisasyon. Hanggang sa nakasakay sila sa kotse ay hindi pa rin nawala ang kalungkutan at disappointment sa dibdib niya. "Was it your first? Hmm?" Her cheeks went cherry red as she remembered the first kiss they shared. Tumikhim siya at hindi ito sinagot. Nahihiyang inayos niya ang buhok at kinagat ang dilang inalala kung paano siya nito halikan kanina. "Magnanakaw," bulong niya sa ere. Langdon gave out a chuckle and elbowed her gently. "You can also steal mine. I haven't been kissed in my butt." Napahagikhik siya sa narinig. Hindi niya inaakalang may ganito rin pala itong tinatagong personality. "May side ka rin palang ganito, Lang. Mapagbiro." Sumandal siya at nginitian ito. He returned the smile as he brushed his hair to the side. "I can be anyone I want, whoever I wanted to be. I told you already. Use deception and you can get whatever you wanted to have in this life." "Mas pipiliin kong maging honest. Mas magaan sa loob." He laughed and didn't reply for a minute. "Cute. You're one cute little thing, Cin," he said and pulled over in front of a hotel. "Hindi pa ba tayo uuwi? May iba ka pang gagawin?" tanong niya nang makasakay na sila sa elevator. He shook his head and looked at the time on his watch. "We'll spent the night here. By now, alam na nila kung saan ako nagtatago. They must have burned the house already." "Pero paano ang mga files? Hindi ko pa iyon natatapos lahat." "That has already been taken care of. Out." Pinauna siya nito palabas sa 7th floor ng building saka binuksan ang unang pinto sa kaliwa. "Use the shower first. There's clothes in the bathroom. I'll call for food." Sinunod niya ito at naligo saka isinuot ang pajamas na nakasilid sa isang paper bag na may tatak ng paborito niyang clothing brand. Nagpupunas na siya ng buhok nang lumabas sa banyo. Saka pa lang tumayo si Langdon at maingat na inilagay sa side table ang baril. Hinubad nito ang t-shirt sa harap niya kaya nag-iwas agad siya ng tingin at umupo sa kama. A couple of minutes passed and Langdon emerged out of the shower with only his sweatpants on. She was spread on the bed with both of her hands above her. Laking gulat na lang niya nang sumampa ito sa kama at humiga sa tabi niya. Startled, she got up to get out but he pulled her by her shoulder back to his side. "Are you still afraid of me, Cin? I thought we've established the fact that I won't hurt you." Tanging pagkurap lang at pag-iling ang naging sagot niya. Masyadong malapit ang mukha nito sa kaniya kaya walang pumapasok sa utak niya kundi ang mainit nitong hininga. "You don't mind if we share a bed, do you?" Mabilis uli siyang umiling. "No, okay lang. Walang problema." Umusod siya palayo rito pero hindi siya nito uli hinayaan. Kinuha nito ang unan sa ibabaw at inangat ang ulo niya saka maingat na ibinaba sa naghihintay na unan. She was about to do the same to him but hesitated when she saw the smirk on his face. Suddenly she was not as brave as she thinks herself to be when it comes to this man. Tumalikod siya rito at pumikit kasabay nang tunog ng tawa nito. "Conservative, shy, and a coward," he blurted out and patted her head gently. "Way to go." Pumikit siya at nagkunwaring matutulog na ngunit dumaan na lang ang mahigit isang oras ay gising na gising pa rin ang diwa niya. She's too aware with the man beside her that even her breathing become uneven. Dahan-dahan siyang kumilos para silipin si Langdon na patag na ang paghinga. He's asleep already. Nakaharap ito sa kaniya at bahagyang nakasubsob ang kalahati ng mukha sa unan niya. Lumamlam ang mga mata niya habang tinititigan ang binata. Kapag ganitong relaxed ang expression sa mukha nito ay mas naaalala niya ang binatilyong Langdon na nangangarera sa Monte Vega. The young, the free, and the lover boy who had a big smile on his face who had her fragile heart fall for him over and over again. Itinaas niya ang kamay at buong ingat na hinaplos ang noo nito gamit ang hinlalaki. And slowly, just very slowly, she moved closer to him and lightly kissed the bridge of his nose while closing her eyes. It's just a simple touch like a whish of a feather but it's enough to send all the euphoric signals to her head. Nakapikit pa rin na inilayo niya ang mukha rito. When she feels that it's safe enough, she opened her eyes only to gasp when she saw Langdon poring at her. Agad siyang tumalikod para itago ang pamumula ng mukha pero maagap siyang hinawakan nito at hinila pabalik para gawing bilanggo sa bisig nito. Bumilis ang takbo ng puso niya at nanlaki ang mga mata sa gulat at hiya. The man hovered over her to inspect her face as his face descended on hers but he stopped when he's just an inch from touching her lips. "Hmmm, what do we have here? Cin, I can't believe you're a kissing bandit as well."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD