4

2082 Words
Hinalungkat niya sa bag ang kanina pa nag-iingay na cellphone at sinagot ang tawag ng kapatid sa pinakakaswal na tono. "Kuya." She tried to sound so excited to mask the tension she's feeling. "Cin, where are you?" Nilingon niya ang malawak at luntian na golf course sa exclusive country club na kinaroroonan mula sa open-area na pub resto. She adjusted her glasses first before answering. "Nasa bahay, kuya. I'm about to take a nap." Kinagat niya ang labi nang ma-guilty sa pagsisinungaling. "Why did you call? Did something happen?" "No, I just wanted to call you to greet you a happy birthday. Happy birthday again, angel." Matamis siyang napangiti. "You called me early in the morning just to greet me." "Kanina iyon. Baka nga hindi ka pa naghihilamos nang tawagan kita. I'm sorry again for not being with you there and celebrating with you. Babawi ako pag-uwi ko." "Kuya, you don't have to. Basta makabalik ka lang na ligtas at buo dito sa Cerro Roca ay bawing-bawi ka na. Come home now." Natahimik ang kabilang-linya. Rinig niya ang marahas na paghugot ng hininga ng kapatid at ang pag-ingit ng silya sa background. "When did my baby sister grew up so fast? Dati ay ako pa ang taga-tirintas ng buhok mo." She giggled and recalled her memories while he patiently braid her hair into a fishtail. Ipinagyabang pa nito na isang oras lang daw nito itong pinag-aralan gamit ang videos online. "Kuya, in case you have forgotten, I'm twenty now so I have long been an adult. Stop babying me." "Kahit ano pa ang sabihin mo, you will always be our baby, Alcindra. You can't date yet." "I know. Besides, I can't do that with our current situation." He chuckled. "You better behave until you're in your 30's. I'll go now. Zen is here. Eat your lunch." Ibinalik niya ang cellphone sa bag at hinanap ang kaibigan na si Andrea mula sa mga guests na nakakalat sa lugar. Natagpuan niya itong nakaupo sa isang mesa ilang metro ang layo sa kaniya at nakikipag-usap sa isang lalaking mestiso. Kanina ay nagpaalam ito sa kaniya para gawin ang bilin ng boss nito dito. Hindi na siya nakapagpaalam dito matapos ang mga nangyari dahil hindi niya na ito mahanap sa bahay matapos siyang pagbalaan ni Langdon na umalis na. Tinext niya lang ito para sabihing nakauwi na siya. Kagabi nga ay bigla na lang itong tumawag para humingi ng pasensiya. Hindi na raw nito nasabi ang sitwasyon dahil alam daw nitong tatanggi siya kapag nalaman niya iyon. Andrea then invited her to this club courtesy of her boss. Gift daw dahil naging maayos ang trabaho nito sa party. Dito na lang din daw siya nito babayaran at para na rin ma-i-celebrate nila ang birthday niya. Uminom siya ng orange juice at inilibot ang tingi sa tanawin sa labas. Sa unahan ay may mga grupo ng mga kalalakihan na naglalaro ng golf kasama ang mga babaeng tagapayong na nagsisilbing mga golf caddies. Para siyang nabalik sa Monte Vega sa mga nakikita sa tuwing mahigpit na naglalaro ng golf ang mga pinsang lalake sa sarili nilang golf course. No one can beat Zen in the game other than Femella who is the most alpha female among them. Naaalala pa niya kung paano nito ilampaso ang lahat sa bawat paligsahan ng angkan maliban na lang sa mga musical competition but still, she's relentless. Humigit siya ng hininga nang maalala na naman ang dating buhay. Kasabay ay ang pag-usbong ng pag-aalala sa kalagayan ng mga pinsan. She snapped back into the reality and stopped the train of thoughts from taking her back to her beloved past. Huminga siya nang malalim at sinipat ang direksiyon ni Andrea. Nakita niyang tumayo na ang kaibigan at naglakad pabalik sa mesa nila. "Sorry kung medyo natagalan. Medyo mahirap kausap si kuya." Humiwa ito ng kalahating karne sa plato at isinubo lahat sa bibig. She stared at how Andrea munched noisily. She felt fascinated by her friend. Andrea is a cute little ball of sunshine packed with so much energy. Tulad niya ay iba't ibang raket din ang pinapatos nito para sustentuhan ang sarili. Nakilala niya ito sa dating pinapasukan na maliit na restaurant kung saan naging dishwasher din siya. Kasagsagan noon ng paghahanap nila ng matitirhan at nagkusa na siyang tumulong sa gastusin kahit na mahigpit ang pagtutol ng kapatid. Wala ng mga magulang at kamag-anak si Andrea. Somehow she felt relieved at the thought that she still has a brother by her side. "Mabalik tayo sa usapan natin kanina. So iyon na nga, nabanggit sa akin ng boss ko na naghahanap ng mga staff ang isa sa mga kaibigan niya. Entry-level job daw. Naisip kita agad kaya inirekomenda na kita. Basta marunong lang daw gumamit ng computer, pwedeng-pwede na." "Naku Andrea, nagbabalak na kasi ako na bumalik sa dati kong trabaho. Ibigay mo na lang sa iba mong kakilala," tanggi niya at dinampot ang chopsticks at kumuha ng wasabi para ilagay sa sushi. Maingat niya itong isinubo. Sinundan nito ng tingin ang ginagawa niyang pagsawsaw sa salmon sa soy sauce at nagkibit-balikat. "Palalagpasin mo pa ito na opportunity, Cin? Malaki itong magpasweldo kasi napakayaman nito. Iyon nga lang, aaminin kong may pagka-shady ang trabaho pero masasabi ko namang safe ka. Ano, tatanggihan mo pa ba?" Tumango siya. "Kailangan kasi nakatango na ako." "Sayang naman. Ilang months lang din naman itong trabaho. Makakapag-ipon ka kaagad para sa pang-tuition mo. Sinabi mo sa akin na babalik ka na sa pag-aaral kaya tanggapin mo na. Hindi naman masyadong nagmamadali itong kaibigan ni boss kaya may oras ka pa para mag-isip-isip. Tawagan mo ako after two days kung nakapagdesisyon ka na, okay? Wait, kunin ko lang iyong cake na inorder ko, ha. Mukha kasing kanina pa iyon at napakatagal na dumating." Tumayo ito kahit may nginunguya pa at nagmamadaling tinumbok ang isang staff na may dalang tray. Ipinagpatuloy naman niya ang pagkain habang nakangiting pinagmamasdan ang kaibigan na mukhang nauwi na sa tsismisan ang pakikipag-usap sa waiter. Masaya siya at nakatagpo siya ng isang tulad nito sa Cerro Roca. Hindi man niya masabing matalik na sila na magkaibigan pero ramdam naman niya na mabait ang babae. Andrea's personality is opposite of hers which is why she likes her. May something dito na magaan ang loob niya. Halos maubos na niya ang sushi rolls bago nakabalik si Andrea bitbit ang chocolate cake na may mga nakatusok na kandila na hula niya ay binili pa nito kanina bago sila nagtagpo dito. Natatawa pa siya nang takpan nito ang ibabaw para hindi mamatay ang sindi. "Sandali, piktyuran kita para may remembrance." Inayos nito ang pagkakalagay ng cake sa table at kinuha ang cellphone nito. Ilang kuha at ngiti ang ginawa nila bago ito tumigil. "Hipan mo na at 'wag makakalimot sa wish." She closed her eyes and prayed hard. I want my life back, please Lord. I want to see my parents and go back to Monte Vega. Nagmulat siya ng mga mata at masayang hinipan ang mga kandila. Every year, her wish never changed. And she won't stop wishing it until it will come true. "Happy birthday, Cin! Sana ipakilala mo na ako sa kuya mong masungit, ha," nakangising pang-aasar ni Andrea. She just smiled at her and started slicing the cake. "Thank you, Andrea. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Akala ko talaga i-se-celebrate ko ang araw na ito nang mag-isa. Buti na lang nandiyan ka," maluha-luha niyang pahayag. "Naku, napaka-emosyonal mo naman. Wala 'to. Para cake lang, eh. Pero saan doon ang pumapayag kang ireto na ako sa kuya mo?" Tinawanan niya lang ang kaibigan at nagsimulang sumubo. Baka kapag nakilala nito ng personal ang kaniyang kuya ay tumakbo lang ito sa takot. Ibang-iba sa nakangiting mukha na nakita nito sa picture sa wallet niya ang personalidad ng kapatid lalo na sa mga bagong mukha. Nasa kalagitnaan na sila sa paglantak sa cake nang bulabugin sila ng mga sigawan mula sa labas. Mukhang may away na namumuo mula sa dalawang lalake na naglalaro. Pilit namang inaawat ng mga kasama ang dalawa pero agresibo ang naka-itim na collared shirt at sinugod ang nakaputing lalake at agad na sinuntok. Hindi naman iyon ininda ng lalaki at sumagot din ng suntok. Nagpalitan ng mga atake ang dalawa pero klaro na mas malakas ang nakaputi. Umatras na ang mga kasama nito sa gilid at naiiling na nanood na lang. Hindi niya masyadong kita ang mukha ng mga nag-aaway dahil pareho pang nakasuot ng cap. "Stop it you two! I said stop it! Ano ba?!" sigaw ng nag-iisang babae sa grupo pero wala ni isa ang nakinig. Nakiusyuso na rin ang mga guests at may mga security na rin ng club ang tumatakbo papunta sa nag-aaway pero pinigil sila ng isang mukhang Amerikano na lalaki mula sa grupo na prenteng nakapamulsa at para pa ngang natutuwa sa nakikita. Natumba na ang nakaitim na lalake sa damuhan at nakataas na ang kamay kaya akala niya ay titigil na ang nakaputi pero patuloy pa rin ito sa pambubugbog kahit nawalan na kalaunan ng malay ang lalaki na nakahandusay. Nasapo na lang niya ang bibig sa gulat nang makita niyang dinadampot na nito ang golf club at buong lakas na hinataw ang kamay ng kalaban. Napasigaw siya at takot na hinawakan ang kamay ni Andrea na nasa mesa. Tumakbo ang babae papunta dito at hinampas ang likod nito habang umiiyak. Lumapit na rin ang iba pang mga lalake para awatin ang patuloy na pagpalo nito, na sa pagkakataong iyon ay sa kabilang kamay naman. "Grabe naman tapos hinayaan lang nila boss. Sabagay, isang Asturia iyang si Sir Langdon. Mayaman. Napakamaimpluwensiya. Kaibigan ng mga Gastrell ang pamilya nila kaya ganiyan umasta. Malaki ang mga pagmamay-ari nilang lupain dito ng mama niyan." Nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig at napabalik ang tingin sa lalaki na nagpaawat na. That's Langdon? Hawak na ito sa magkabilang kamay ng security. Nakompirma ang sinabi ni Andrea nang tinabig nito palayo ang mga may hawak rito at hinubad ang suot na sumbrero bago tiim-bagang na naglakad. Bigla siyang nakaramdam ng uhaw kahit katatapos niya lang uminom ng tubig. That's really Langdon, just a little too different from the man who helped her two days ago. His face is so florid from anger and cruelty, the furrowed brows gave him a predatory appearance whose hunt wasn't that successful. Tumutulo ang pawis nito mula sa mukha pababa sa leeg at may mga talsik ng dugo ang suot na puting capri pants. "B-Bat siya ganiyan?" ang tanging nasabi niya habang nagpapaulit-ulit sa isip kung paano nito halos baliin ang golf club sa mga kamay ng lalaki. "Ganiyan talaga si Sir Langdon lalo na kapag nagagalit. Malas lang nung lalaki kasi ngayong araw pa talaga niya tinaon ang pang-iinis." "Bakit? Ano ba ang meron sa araw na ito?" Inabot niya ang baso ng tubig at uminom para pawiin ang kabiglaan at takot na naramdaman. She never thought that he can do such a brutal act. "Naku, Cin. Medyo tragic ang dahilan. Death anniversary kasi ngayon ng kasintahan niya. Kapag ganito ay nagpupunta talaga iyan sa kahit na saan para maghanap ng away. Last year, isinama ako ni boss sa Monte Vega. Ganiyan na ganiyan din ang ginawa niyan, mas mild nga lang ngayon. At heto pa ang mas masakit, ngayon din kasi ang anniversary nila noong namatay niya na girlfriend." Napasinghap siya sa rebelasyon. Napalipad uli ang tingin niya kay Langdon na inaalis na ang suot na gloves sa kaliwang kamay. Nagtaas ito ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata. His eyes are empty. She quickly avoided his gaze when she felt a chill run down her spine. It's like a warning to never look at him again. "B-Bakit mo iyan alam?" nauutal na tanong niya at muling uminom sa baso. "Malamang! Close sila ng boss ko. Naririnig ko rin sa mga kwentuhan ng mga kaibigan nila. Nababanggit nga iyong mga nangyari pero kahit gaano pa kasakit ang mga nangyari sa kaniya, free pass na ba iyon para manakit siya ng iba?" Nilingon niya si Langdon na ngayon ay pasakay na sa golf cart. She can't judge him. She doesn't know what's going on inside his head because she's not him and she has not experienced that kind of pain, of losing someone forever. Tahimik siyang uminom ng tubig samantalang bumalik naman sa pagkain si Andrea. From the distance is a group of healthcare officials tending the man in the stretcher.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD