5

2452 Words
Patay-sindi ang mga poste ng ilaw sa daan kaya lakad-takbo ang ginawa ni Alcindra. Ilang hilera pa ng mga kabahayan ang kaniyang dadaanan para makarating sa bahay. Matutulog siyang mag-isa ngayong gabi dahil nagpaalam si Marina na may emergency ito. Hindi na rin niya ipinaalam sa kapatid dahil ayaw niyang mag-alala pa ito. Kaya naman niya ang sarili. “It’s just nothing. Tinatakot ko lang ang sarili ko,” aniya nang parang may nakita siyang gumalaw sa likod ng punong mangga sa gilid ng kalsada. Pinilit niyang nilabanan ang namumuong takot habang kinakastigo ang sarili kung bakit nawili pa siya sa kapipili ng mga librong bibilhin sa bookstore kaya hindi niya namalayan ang oras. Tuloy, naabutan na siya ng pagsasara ng mall at mag-a-alas onse na siya nang makasakay ng jeep. Nasiraan naman ang tricycle na sinakyan niya papasok kaya wala siyang choice kung hindi ay maglakad. "I'll never do this again, I promise. Uuwi na ako nang maaga, I promise myself.” Tumaas ang mga balahibo niya sa batok kaya mas lalong nadagdagan ang takot niya. “Geez, why am I living inside a horror movie now?” Umihip ang malakas na hangin na sinabayan pa ng alulong ng mga aso kaya impit siyang napasigaw at napatakbo. Ilang bloke na lang ang kailangan niyang takbuhin nang napahiyaw na naman siya sa gulat nang pumailanlang sa katahimikan ng gabi ang Rondo Alla Torca ni Mozart na mas nakapadagdag sa kilabot na nararamdaman niya. Nanlalamig ang mga kamay na dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng suot na denim jeans at sinagot. “Hello.” "Get out of the house now, Alcindra! Delikado ka diyan. Find any place to hide. Now!" Hindi agad rumehistro sa kaniya ang sinasabi ng kausap kaya ilang segundo siyang hindi nakasagot. Tiningnan niya ang caller ID bago agad na ibinalik ang cellphone sa tenga. “What’s happening kuya? Ano ba ang sinasabi mo? Why?" Hinihingal na tumigil siya sa pagtakbo at niyakap ang sarili. "What happened? Kuya? Kuya?! Okay ka lang? Please tell me you're okay. Please.” Tanging mabibigat na hininga na parang kapos na sa hangin ang naging sagot nito. Napaiyak na siya. “Kuya! Answer me please. Kuya! Tell me you’re okay, please! Please naman.” “Alcindra, you’re still there?” balik nito sa kaniya makaraan ang iilan pa niyang pagmamakaawa na sagutin siya nito. “Yes, yes, I’m here. Are you safe over there?” Suminghot siya at humigpit ang hawak sa cellphone. Ayaw niyang mag-isip nang kahit na anong masama. “Listen, wala na akong battery. I might go out any minute from now. Now I want you to stop crying and start running! Now!" Tumango siya at sinunod ang sinabi nito. She gathered all the things in her free hand while her other hand is supporting the phone on her ear and started running. “Kuya, I am running away now. Now tell me you’re safe, kuya. Please, be safe. For me, for me, please.” Mas umagos pa ang kaniyang mga luha nang makarinig ng mga putukan sa background. “Kuya,” hikbi niya. “Answer me please. Please.” "Basta tandaan mo na babalikan kita. Hahanapin ka ni kuya. Survive for now, Alcindra. I love you, angel." The line went static before he was completely cut off. Tumigil sa pagtakbo si Alcindra at natitilihang tinitigan ang cellphone. Pagkatapos niyon ay pinunasan niya ang mukha at itinuloy ang pagtakbo. She believes in him. Once Nathan gives out a promise, he makes sure to fulfill it. Right. Her brother is the most skilled and fearless man she knew. Hahanapin siya nito at magkikita sila uli. Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay makaalis dito papunta sa ligtas na lugar. Pero saan iyon? Nahanap niya ang kasagutan nang makalabas siya sa village at nakasakay na ng tricycle. Andrea left her a message reminding her of the job she refused. “Manong, sa Pine Hills ho tayo,” tukoy niya sa subdivision na pinagtatrabahuan ni Andrea. Sa entrance ay ayaw pa sana siyang papasukin ng mga guard pero binanggit niya ang pangalan ng kaibigan at iniwan ang kaniyang ID kaya pinayagan na rin siya. Panay na ang tawag niya kay Andrea sa cellphone nang nasa labas na siya ng bahay pero hindi ito sumasagot. Wala na siyang choice kundi mag-doorbell. Dinadasal na lang talaga niya na nandito ang kaibigan dahil kung hindi ay mapipilitan siyang magpalipas ng gabi sa isa sa mga motel sa bayan. Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas ang bakal na gate at sumungaw ang mukha ng security guard. Tinanong siya kung anong pakay niya. Para naman siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang malamang stay-in ngayong gabi si Andrea. Pagkalipas pa ng ilang minute ay papalapit na sa kaniya ang kaibigan na takang-taka ang mukha. “Cin! Ano ang ginagawa mo rito?” Hinila siya nito papasok sa loob at pinaupo sa isa sa mga silya na nasa malapit sa pool. Niyakap niya ang bag at ang plastic cellophane na may lamang mga libro bago sumagot. “Andrea, kailangan na kailangan ko na ngayon ang trabahong sinasabi mo. Kailan ako magsisimula? Please, kailangan ko lang talaga ng pera.” “Mabuti naman at nalinawan ka na. Bukas na bukas pa ang trabaho para sa iyo. Actually, andito nga ngayon si Sir Langdon para makipag-usap kay boss para sa paghahanap ng mga staff. Sa kaniya kasi nagtatanong si sir kung mapagkakatiwalaan ba ang mga tao na kukunin niya since hindi talaga siya tagarito. Tara at ipapakilala kita para matanggap ka na agad. Malakas ako kay boss. Siya pa nga ang pinakiusapan ko na ikaw na ang kukunin para makatulong sa pang-tuition mo.” Parang hinigop ang lahat ng lakas niya sa narinig. What a twist of things she is getting myself into these past days? Bakit sa lahat ay sa isang Asturia pa? And not just the typical Asturia but Langdon Asturia? “Sir Langdon? As in iyong Langdon na… alam mo na.” “Oo, iyong lalaki sa golf club na nambubugbog. Sabi ko nga sa iyo medyo shady ang trabaho dahil sa kaniya pero safe ka roon. Tao naman iyong kausap at hindi naman iyon basta-basta nananakit lalo na kung babae. At napakaguwapo ni sir, hunk din, at mayaman. Malay mo, ikaw na ang makakatunaw sa pihikan niyang puso.” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Andrea at pinagana ang isip. Would it be safer for her to take a shelter inside the enemy’s camp? O baka naman patibong ang lahat ng ito? What will she do? “Andrea, may alam ka ba kung bakit nandito si Sir Langdon? ‘Di ba originally, sa Monte Vega sila nakatira?” “Ang alam ko ay may alitan yata si sir at ang pamilya niya kaya dito iyan dumiretso at hindi sa Monte Vega pagkauwi galing sa Spain. Balita ko ay napakalaki daw ng hidwaan na kahit ang ina niya ay hindi siya mapilit na umuwi sa kanila.” Nakahinga siya nang maluwag. Kung ganun ay baka wala rin itong alam sa mga plano ng mga Asturia o baka naman ay isa ito sa mga tumututol sa ginagawa nilang purging sa kanila. “O, andiyan na pala sila sir. Halika at ipapakilala kita.” Tumayo siya para salubingin ang paglabas ng dalawang lalake sa malaking pinto ng bahay. Ang mukhang Amerikano na nakita niya sa golf club ang kasama ni Langdon. Magkasingtangkad lang ang dalawa pero mas malaki ang pangangatawan ni Langdon. Nakasuot ito ng mamahaling maong na pantalon, puting Lacoste t-shirt na hakab ang matitipunong bisig nito, at black suede shoes. Sa palapulsuhan sa kanang kamay ay ang Patek Philippe na relo. Luminga ito at nagtama ang mga mata nilang dalawa. Kumunot ang noo nito at pinasadahan siya ng tingin. “Boss! Sir Langdon. Ito iyong kaibigan ko na gusto ko sanang irekomenda sa iyo para sa trabaho. Si Alcindra po sir,” masiglang pagpapakilala sa kaniya ni Andrea. Tiningnan lang siya ni Langdon na para bang inalala kung saan siya nito unang nakita. Nag-iwas siya ng mata at nahihiyang nagyuko ng ulo. “She’s not a minor?” tanong ni Langdon na nakapagpataas ng kaniyang mata dito. She remembered when he asked her about her age. Does he really think that she's a liar? “Naku, sir. Mukhang minor lang po itong si Cin pero of legal age na po iyan. Kaka-twenty lang po niyan noong isang araw,” maagap na sagot ni Andrea. “So she is the one you are talking about,” singit naman ng Amerikano na binigyan siya ng isang ngiti na sinagot niya rin ng isang tipid na ngiti. “Just making sure. You know how to use a computer?” tanong uli ni Langdon. Tumango siya. “Yes sir.” “How many words per minute can you type?” “Kaya ko po 75 words per minute,” sagot niya naman agad. “Hmm, that will do.” Bumaling ito sa lalaking kausap. “You can vouch for her, Zheryll?” “I trust Andrea, bro. Hire her.” Langdon looked back at her. “I need someone to do the job as soon as possible. You’re hired. When can you start? If you can do it as early as now then that will be much better.” Napalunok siya, medyo nagkakaroon na ng daga ang dibdib. “Kaya ko na pong magtrabaho ngayon din po,” lakas-loob niyang saad. Kailangan niya ng lugar na mapupuntahan sa ngayon kahit ilang mga oras lang bago siya maghanap ng ibang matitirahan. Hindi siya pwedeng basta-basta na lang magliwaliw sa lugar dahil baka nasa tabi-tabi lang ang mga humahabol sa kaniya. Surely they won’t think of her being with a man who is a member of the family who’s running after them. “Very well then. Come to me now. I will discuss the terms to you.” Tiningnan nito ang tinawag nitong Zheryll para magpaalam at hindi na ako tinapunan pa ng sulyap na naglakad palabas. “Cin, sure kang sasama ka na kay sir ngayon? As in ngayon? Pwede namang bukas na,” bulong ni Andrea sa kaniya habang papalabas na sila ng gate. “Okay lang, Andrea. M-May problema rin kasi sa bahay kaya ayaw ko munang umuwi.” “Hulaan ko ay tungkol sa pera. Pero bakit ngayon ka agad niya pagtatrabahuin eh magha-hatinggabi na?” “Langdon is nocturnal so he finishes things at night,” sabad ni Zheryll na nakasunod pala sa kanila at binalingan si Andrea. “After here, clean my room.” Ipinaikot lang ni Andrea ang mga mata sa boss na dumiretso sa garahe. Nagtataka man siya sa iniaakto nito na parang hindi amo ang kausap ay hindi na siya nagtanong pa. “Get in,” tawag sa kaniya ni Langdon mula sa nakabukas na bintana ng kotse nito. Hindi na niya namalayan na nakasakay na pala ito. Dali-dali siyang nagpaalam sa kaibigan at yakap ang dalang mga gamit na sumakay sa backseat. Tahimik ang biyahe papunta sa lugar na wala siyang alam kung saan. Sumulyap siya sa driver's seat. Nahuhuli niya ang minsang pagkunot ng noo ng lalake na matutuloy sa isang madilim na mukha. “Give me your full name,” walang kaabog-abog na utos nito matapos ang mahigit dalawampung minutong pananahimik sa daan. “Alcindra Avanceña po,” sagot niya. “Education.” “College undergraduate, sir.” “Family? Boyfriend? Husband? I want a full commitment on this job.” “Wala po, sir. Nasa malayo po ang kapatid ko k-kaya kailangan ko ng trabaho para matustusan ko po ang sarili ko.” Nakatingin siya sa mga palad na mahigpit na nakadaiti sa kaniyang mga hita. Hindi siya sanay na magsinungaling. It’s her most despised trait but she has to do this. “Hmmm, that will do. Your job is to only transfer data to computer. Very very vulnerable information so I wanted to aim for a hundred percent accuracy. I don’t care how long will you finish it. Money is not a problem and expect that you will be paid handsomely.” Tango lang siya ng tango sa buong durasyon na nagpapaliwanag ito tungkol sa gagawin. He has talked about data privacy, lump sum, and things that she didn't understand due to clouded mind. Ilang minuto pa ang lumipas bago sila pumasok sa isang subdivision at tumigil sa tapat ng isang katamtaman sa laki na dalawang palapag na bahay. Bumaba si Langdon kaya napababa na rin siya. Walang imik na binuksan nito ang gate, sinenyasan siyang pumasok bago bumalik sa kotse para ipasok sa loob. Nagboluntaryo na rin siyang isarado ang bakal na gate matapos makapag-park ang lalaki. Pumasok na sila sa bahay. Tahimik ang loob at wala ni isang palatandaan na may tao. “Ahm sir, saan po ang iba pang staff niyo?” curious na tanong niya matapos nitong buksan ang ilaw. True to her hunch, there’s no one inside. Sofa, couch, at iilang cushion chairs lang ang nakakalat sa buong sala. Sa sahig ay nakakalat ang mga box na hindi pa nabubuksan. Halatang kakalipat lang nito sa bahay. Kumunot ang noo nito. “Staff? What other staff you’re talking about? I only need one to do the job.” “P-po?” gulat na anas niya sa namimilog na mga mata. “Yes, and it will require you to remain here in the house until you finish doing it.” “P-Po?” ulit niya sa kawalan ng sasabihin. “Yes, just say so if you can’t do it.” Itinuro nito ang pasilyo. “Last room, right side. Iyan ang magiging silid mo. I’ll let you rest for now if you agree but feel free to leave if you don’t. I’ll be in the study.” Pagkasabi niyon ay iniwan na siya ng lalaki at pumanhik sa hagdan. Naiwan siyang nakatulala at pinipilit ang sarili na intindihin ang implikasyon ng sitwasyon niya. So in short, she will only stay here in the house for the whole duration of the job which she has no idea how long. Convenient ito para sa kaniya lalo na at nagtatago siya pero sa likod ng kaniyang isip ay may mga boses na nagsasabing maging maingat siya. “I have no choice. Wala rin naman akong mapupuntahan,” she sighed and started walking to the room. “Besides, I don’t think Langdon will hurt me. He is not like that,” she murmured thinking about that time when he helped her. Pinihit niya ang door knob at itinulak pabukas ang pinto. Bumungad sa kaniya ang dalawang laman ng silid: isang kama na walang foam at isang cabinet. Nagpakawala uli siya ng buntunghininga. This will probably be a long night for her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD