"Use me. Own me. Wala akong pakialam kung ano ang gagawin mo sa akin. Gusto ko lang na nasa tabi mo, Langdon. I will not ask for more, just let me be by your side, please. Let me love you, Lang. Please..."
His body turned rigidly cold.
"Ilang linggo pa lang na wala ka sa poder ko pero hinahayaan mo na agad na bastusin ka." He slipped his fingers through hers and held them tightly. "You didn't get the money."
"Hindi ko alam kung magkano ang ilalagay. Nakakahiya."
His shoulders moved in silent laughter. Ibinaba nito ang mga kamay nila at hinarap siya, may mantsa pa rin ng dugo ang mukha. Napansin niyang may sugat ito malapit sa tenga kung saan may kaunting dugo rin ang tumatagas.
"Then it's my obligation to tuck you in your bed tonight and pay you accordingly."
Kinuha nito ang kamay niya at magaang itinulak ang likod niya papunta sa kotse nito. Nagpatianod naman siya pero bago siya tuluyang sumakay ay ipinarating niya muna rito na sinsero siya sa mga sinabi kanina.
"Lang, about earlier... I meant every word I said," anas niya.
Langdon stared at her amusingly and leaned closer to adjust the rim of her glasses.
"You're too pretty to beg, Cin."
Hinawakan nito ang ulo niya at inalalayan sa pagpasok sa loob bago ito sumakay sa kabila at pinaandar ang sasakyan.
"Drink." May inilagay itong mineral water bottle sa kandungan niya. "You look like you will pass out any minute."
Nangilid ang luha niya habang umiinom ng tubig. Nagawa pa talaga siya nitong alalahanin kaysa sa sarili nito.
Pagdating nila sa bagong bahay nito ay nakiusap siyang hayaan itong gamutin niya ang sugat nito. Pinaunlakan naman siya nito kaya ngayon ay nakaupo silang dalawa sa sahig, wala itong t-shirt na suot samantalang nakaluhod siya rito at nilalagyan ng antiseptic solution ang sugat nito gamit ang bulak.
"You're still here in Cerro Roca. You're not leaving?" tanong nito at idinantay ang kamay sa hita niya.
"May trabaho na akong nakuha rito." Natigil ang paglalagay niya ng gamot sa sugat nito at nanlaki ang mga mata niya sa na-realize. Iniwan niya lang naman bigla ang trabaho niya ng hindi nagpapaalam kay Richard. Baka kanina pa siya hinahanap nito. Natutok ang mata niya kay Langdon na nginisihan lang siya.
"You just traded your job for me. Are you going back, Cinderella? Hmm?" Napunta sa bewang niya ang kamay nito.
She stared at his eyes, mystified by how they also smile just like his mouth.
"No." She shook her head. "Dito lang ako sa tabi mo."
Langdon threw his head back and laughed. He moved his legs so that they'll caging her inside and without ceremony, he held her face captured in his hands and kissed her tenderly.
She melted in his arms as their clothes are shedded, their bodies joining together. The world before them disappeared and all she could hear are their moans and cries.
If it's the only thing she can be of use to him then she'd gladly gave him her body over and over again.
As she lay there on the cold soft carpeted floor with only his jacket covering her nakedness, she promised to herself that she'll show Langdon her love no matter what risks she encounters ahead.
"You're silent. You're finally regretting coming with me? That's a smart thinking," untag nito sa kaniya mula sa ginagawang paglilinis ng baril. Nakaupo ito sa sahig, wala pa ring suot na t-shirt. Just his unbuttoned black pants on.
She reached for her glasses and put them on to see him clearly.
"Hindi. Sigurado na ako. Kung okay lang sa iyo, I... I'll stay by your side."
Puno ng pag-asa na naghintay siya sa magiging sagot nito pero nabigo siya nang tumayo lang ito at walang paalam na pumasok sa isang pinto.
Bumiling siya sa kanan niya at hinigpitan ang hawak sa jacket. A tear rolled off the side of her eyes into the red carpet.
"You'll be on the way to your impending doom if you continue entertaining your affection for me, Cin."
Inilapag nito sa tabi niya ang mga unan at comforter. Sa pinakataas ay may ekstrang t-shirt at boxer shorts nito.
"You can't use any room here. I'm working on something. Sleep."
Kung paano ito kabilis dumating ay ganoon din ito kadaling nawala.
Nagbihis siya at inihanda ang tutulugan saka ikinulong ang sarili sa loob ng kumot para ibuhos ang mga luha. Kagat niya ang labi para hindi makaalpas ang tunog. Nakatulugan na niya ang pag-iyak.
Sa gitna ng gabi ay naramdaman niya ang presensiya ni Langdon sa tabi niya. He wiped her face and kissed her head before lying down beside her. Gumalaw siya at yumakap dito bago bumalik sa pagtulog.
Nagising siya uli na nakatalikod na siya kay Langdon. May kausap ito habang may kausap sa phone ito.
"Nahuhulog ka na ba sa kaniya? Has Alcindra replaced her in your life?"
Natigilan siya sa sinabi ng kausap nito.
Tumawa si Langdon nang nakakaloko.
"No one can be in her place again in my life, Zheryll. Nag-iisa lang si Casindra sa buhay ko. Yes, Alcindra is a pretty woman. She greatly reminds me of Cas but aside from that, she's just another woman in my life. Never have I thought of taking her in seriously. I hope that poor woman realizes that," sagot nito.
Tinabunan niya ang mukha ng blanket nang magsimula na namang tumulo ang mga luha niya.
"Man, that was one harsh way to put it."
"She needs to know that I'm not interested in having a romantic relationship with her. I don't care if I'm too brutal. I would gladly tell it to her face."
Natapos ang tawag na parang hindi na siya humihinga. Napakasikip ng dibdib niya. Gusto niyang tumayo, lumabas para sumagap ng hangin pero ayaw naman niyang malaman ni Langdon na gising pa siya.
She felt him stood up and left her. That gave her an opportunity to let her gasp for air and brushed her tear-stricken face.