"Vip Room 5! Kulang ng server. Sino ang available?! Si Richard, saan?" hanap ng general manager ng La Greta's Bar and Resto na si Jojo pagpasok nito sa kitchen area ng restaurant.
Nag-angat siya ng tingin dito bago bumalik sa pagsasalansan ng mga utensils sa conveyor belt ng dishwashing machine. Palagi namang ganoon ang nangyayari sa loob ng dalawang linggo niyang pagtatrabaho rito. Understaffed pa rin ang restaurant dahil sa sunud-sunod na resignation ng mga employado. Dumagdag pa na gabi na at puno na ang reservation sa lugar.
"Nasa VIP room 6. May reklamo yata ang guest doon," sigaw ng sous chef na si Jeffrey na busy sa paghahalo sa harap nang umuusok na kawali.
Nagbuntunghininga si Jojo saka natutok sa kaniya ang tingin ng kwarenta y singko na lalake.
"Cin, dating gawi. Relyebuan mo muna si Monique. Inaasikaso pa niya ang table 4. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Richard."
Nginitian niya ito saka hinubad ang apron at pinatay ang machine at kinuha ang server pad bago nagmamadaling lumabas.
Sa tuwing nangangailangan ng extra server ang restaurant ay lagi siyang nagboboluntaryo. Naaaliw kasi siya sa pagkukuha ng mga orders sa mga customer. Isa pang dahilan ay para mas lalo siyang mapagod para pag-uwi ay diretso tulog na lang siya. Wala nang oras para mag-isip at umiyak. Hindi na rin naman siya naninibago rito dahil ilang beses na siyang natoka sa mga VIP room.
Paglabas ay nakasalubong niya ang mangiyak-ngiyak na si Monique na kakalabas lang sa isang silid.
"Ano ang nangyari?" nag-aalala niyang tanong rito pero nilagpasan lang siya nito at dumiretso sa CR.
Susundan sana niya ito pero naalala niya ang trabaho. Humugot muna siya ng hininga bago pumasok sa Room 5 at maingat na isinara ang pinto.
She adjusted the rim of her glasses and approached the five guests in the table in the middle of the fully air-conditioned room. Sound proof ang buong silid at may mga television screens at monitors na perfect for meetings.
Inihanda na niya ang ngiti sa mga labi at ang kamay para sa pagsusulat.
"Good day ma'am and sir. May I take your order, please?"
With a smile, she lifted her head to the five pairs of eyes who are looking at her. She first noticed the two men seated on the left side of the table and then the other two women in the right and another man beside the last lady who is busy sipping his glass of wine while cross-legged and looking so fine in his black shirts and jeans.
She felt her knees buckling in pressure with Langdon's presence but she tried hard to keep her composure intact even if the heat in her eyes began to spread in her face.
Wala siyang kaide-ideya na makikita niya dito ang lalaking gabi-gabi niyang iniiyakan. It shocked her to the core especially when he didn't even look her way like he didn't know her at all.
"The service here is so bad. We're already waiting for five minutes just for someone to get our orders. Ang kupad," reklamo ng babaeng chinita na naka-wolf cut ang buhok.
Nginitian niya ito at buong pusong humingi ng pasensiya.
"I'm sorry for the inconvenience ma'am. We're experiencing a shortage of employees right now but rest assured that this will not hinder us from giving you your best dining experience." Sa nanginginig na kamay ay bahagya niyang ibinaba ang pad at yumukod sa mga ito. "In behalf of the whole staff and management of La Greta, we ask for your forgiveness, ma'am and sir."
"It's nothing. 'Di ba Chin? You can now take our orders, Miss?"
Nagtaas siya ng tingin sa lalaking nagsalita na naka-blue jacket at white trousers. Nakaplaster ang isang ngiti sa mukha nito.
"Thank you, sir." Nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang mareresolba ito nang hindi na kailangang ipatawag si Monique na siyang dapat ay nag-aasikaso sa mga ito.
"But of course, we can expect for an extra service to compensate for keeping us wait, right guys? TJ?" Bumaling ito sa mga kasamahan na nagsipagtanguan. May malaki namang ngiti ang lalaking katabi nito na kanina pa malagkit na nakatitig sa kaniya.
Si Langdon ay wala pa ring ipinapakitang emosyon. Inakbayan lang nito ang katabing babae na nakatingin sa kaniya na parang sinisino rin siya. The woman reminded her of the European models her aunt used to invite in their mansion to hold exclusive fashion shows for the family. Tall, skinny, and with exquisite beauty just like almost all her cousins.
Isa siya sa mga naiiba. Lahat ng kaniyang mga pinsan ay may taglay na awra ng isang babaeng Alcantara—palaban, mataray, seryoso, at very value-driven while she is princess-like who needs a prince's saving. Small, very fragile with doe eyes who could cry at any minute and one who constantly needs protection. Her face is so innocently kind that's why she is the family's kryptonite.
"Of course. We can have that extra service. It will be fun," pagsang-ayon ng tinawag nitong TJ.
"Ano po ang gusto niyong extra service? Any added dish or drinks?" nakangiting tanong niya kahit nagdurugo na ang puso niya sa kung paano paraanan ni Langdon ng kamay ang balikat ng babae.
The women laughed at her mockingly. The two men shook their heads while laughing.
"Naku, nakapasimple. You just have to grace us with your beauty as we eat. TJ and I would love it. I'm Edmund. Your name, pretty?"
Kinindatan siya nito bago kinuha ang baso ng alak at uminom.
"Hmm." She heard Langdon's favorite expression. Tumingin siya sa gawi nito at nahuli ang ginawa nitong paghapit sa bewang ng babae. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin.
"Grace at your service, sir." Ewan niya pero mukhang nahuli niya ang pag-angat ng isang sulok ng labi ni Langdon. "Can I now get your orders, ma'am, sir?"
Pagkatapos makuha ang mga orders ay magalang siyang yumuko uli at lumabas na. Hindi na niya tinapunan ng sulyap si Langdon dahil baka maiyak na siya sa harap nito. Matapos kunin ng chef ang mga orders ay nagpaalam siyang mag-si-CR.
Doon na niya pinakawalan ang ilang hikbi. Naupo siya sa bowl at napahawak sa ulo. Hindi niya napaghandaan ang sakit na sumalakay sa pagkatao niya. More than the pain she felt while looking at him being that close to another woman is the rejection she outrightly received from him. Para bang hangin siya dito. Nag-e-exist pero hindi nakikita. Nasaan na ba kasi iyong Langdon na nakilala niya?
Tulala pa rin na naghilamos siya ng mukha at nag-apply ng kaunting concealer sa paligid ng mga mata. Nag practice siyang ngumiti sa salamin bago nagbuntunghininga at lumabas para i-serve ang mga pagkain.
Ginawa niya ang lahat ng makakaya na hindi tumingin sa direksiyon ni Langdon para hindi siya ma-distract.
"Enjoy your dinner ma'am, sir. Just give us a call if you need anything else," magalang na paalam niya sa mga ito.
"Hey," tawag ng lalaking nagngangalang TJ. "You will stay with us, Grace. Mas convenient kung dito ka lang sa loob kapag may gusto kaming iutos sa iyo."
Awtomatikong lumipad ang tingin niya kay Langdon na busy sa paglalagay ng pagkain sa katabi nitong babae. Nag-aalangan siya. Nag-aalala rin siya na baka nakabalik na si Richard sa kitchen dahil siguradong hahanapin siya nito.
"S-Sure, sir. If that's what you wish."
Pumuwesto siya ng tayo sa gilid ng mesa at naghintay sa mga magiging utos. Nagsimula naman silang kumain at mag-usap.
"Your boyfriend is a mute, Yvonne. Kanina pa namin siya kinakausap pero tango lang siya ng tango. Is he really an Asturia? Hindi ba nagkamali si papa sa pagpili nito?" tanong ni Edmund sa pagitan ng paghiwa at pagsubo ng steak.
Napakislot siya sa kinatatayuan. Boyfriend. Langdon already has a girlfriend.
"Stop it, kuya. You know he's legit. You were there when the families met up!" Ipinaikot ng katabing babae ni Langdon ang mga mata nito.
Nag-iinit ang mga matang tumingin siya sa magkahugpong na mga kamay.
Don't cry, Alcindra. It's okay. You have prepared for this fact.
"I'm just checking. Baka con artist ito."
"Dude, don't forget that Langdon used to date your other sister, Claire," sabat ni TJ saka sinenyasan siyang lumapit para lagyan ng wine ang mga baso nila.
Natawa naman ang isa pang babae sa mesa bago nagtinginan ang dalawang lalake. Hindi iyon nagustuhan ni Yvonne kaya pabagsak nitong ibinaba ang mga kubyertos.
"I don't care about my sister's love life. Ang mahalaga ay sa akin na uli ibinigay ni papa ang tiwala na sinayang niya."
Nagugulat man dahil sa mga narinig ay hindi niya iyon ipinahalata. Nagpatuloy siya sa ginagawang pagsasalin ng wine. Nang lumapit siya kay Langdon para lagyan ng alak ang kopita nito ay itinaas lang nito ang kamay at umiling. Ibinalik niya ang wine sa mesa at nanatiling nakatayo.
"What a pain in the head. Gusto ko na lang maging mahirap para hindi na ako makarinig ng mga ganitong problema." Itinuro siya ng babaeng tsinita. "Her life must have been a stress-free one."
Nabaling ang mga mata nila sa kaniya. Hindi naman niya magawang salubungin ang mga nangmamaliit na mga tingin nila kaya ginawa na lang niya ang isang bagay na magaling siya—ang magyuko ng ulo at isarado ang bibig.
"Grace come here," utos ni Edmund sa kaniya. "Pour me some wine."
Tumalima siya at kinuha ang bote para lagyan ang baso nito.
"More, pretty." Pinaraan nito ang dalawang daliri sa kamay niya kaya napapitlag siya at dali-daling binawi ang kamay at lumayo rito. Sinundan siya nito ng isang nakakalokong ngiti na ikinataas ng mga balahibo niya sa batok.
"Grace, wine again," utos uli nito.
Nilunok niya ang bara sa lalamunan. Nanginginig na siya at anumang oras ay tutulo na ang luha niya sa takot.
Bantulot siyang lumapit sa mesa. Kinuha niya uli ang bote ngunit dahil sa nanginginig na kamay ay nabitawan niya ito at natapon ang laman sa jacket ng lalake.
"What a clumsy girl!" bulyaw nito sa kaniya at tumayo para hubarin ang jacket. "This costs a fortune! Kahit ang ilang buwang sweldo mo rito ay hindi sasapat pambayad."
Umismid ang babaeng tsinita. "I'm retracting my statement. Ang hirap maging mahirap."
Wala namang reaksiyon si Langdon na nagpatuloy lang sa pagsubo. Si Yvonne ay tumigil sa pagkain at pinag-aralan ang itsura niya.
Napapikit siya sa nagawa at hindi na napigilang maluha.
"I-I'm sorry. I'm really really sorry."
"Your sorry won't pay for my jacket. I say a night with you later can. What do you think?"
Namanhid ang pakiramdam niya sa narinig. Pinagdikit niya ang dalawang kamay at pinagkiskis ito sa harapan ni Edmund.
"Pasensiya po talaga. Pasensiya po." Tiningnan niya isa-isa ang mga tao sa mesa. "I'm sorry po. I'm really deeply sorry."
Tunog ng umingit na silya ang nagpatigil sa ginagawa niya. Padaskol na tumayo si Langdon at itinapon ang tissue sa mesa. Tiningnan niya ito sa nanlalabong mata. Walang ekspresyon sa mukha nito. Just a lethal glint in his eyes. The same murderous spark she saw he wore on that golf course while beating a guy to death.
Walang seremonyas na sinipa nito ng dalawang beses ang tuhod ni Edmund kaya nahulog at napaluhod ang lalake sa sahig at namilipit sa sakit. Hinawakan ni Langdon ang collar ng t-shirt nito at pinatayo ang lalake.
"I'm looking forward to an exercise this night, brother-in-law."
Binitawan nito si Edmund saka kinuha ang upuan at hinataw ang nakalugmok na lalake na hindi na nagawang magsalita sa kabiglaan.
Nakatiim-bagang naman si TJ na nakatayo na at handa nang sumugod kung hindi lang ito pigil ng babaeng tsinita na shocked na nakatayo sa likod nito at nakatakip ang kamay sa bibig.
"Langdon! No!" sigaw ni Yvonne at sinubukang umawat nang tuluyan nang sirain ni Langdon ang silya sa katawan ng kuya nito pero pinigilan ito ng madilim na mukha ni Langdon.
"Don't interfere," he warned while brushing the side of his pants to show his gun. "I'll just have some child's play with your brother. That's all."
Naglakad ito papunta sa isa pang silya at hinila papunta sa nagdurugong si Edmund. Doon na siya kumilos mula sa pagkakatulos sa kinatatayuan para pigilan ito. Hinawakan niya ang laylayan ng t-shirt nito.
"Please, Lang. Stop it."
He just glanced at her quickly and removed her hand from his shirt.
"Get out," he grunted. "Get out of this room, Cin."
She shook her head firmly. "No."
Huminga ito nang malalim, inilagay ang palad sa ulo niya at marahan itong tinapik.
"Go," he whispered, his timbre giving her no other choice but to comply.
Slowly, she tilted her feet towards the door and started walking out. Narinig niya ang paglapat ng isang malakas na pwersa sa laman kaya tumakbo na siya palabas. Kagat ang daliri at umiiyak na naghintay siya sa labas ng pinto. She's torn between asking for help or just fleeing the place. In the end, she remained outside waiting for him.
Muntik na siyang mapalundag sa gulat nang bumukas ang pinto at lumabas si Langdon na pinapahid pa ang tumalsik na dugo sa mukha. Imbes na matakot ay tumayo lang siya sa harap nito, lumuluha, at nagdarasal na sana ay buhay pa si Edmund.
"Don't worry, Cin. He's still breathing. Barely breathing but alive," ani nito na wari ay nabasa ang iniisip niya.
He approached her and patted her head.
"Don't be too weak, Cin. I will not be always by your side. And I can't control myself when I see men touching you."
Tumalikod ito at naglakad papunta sa exit door. Lumabas naman sa pinto ang umiiyak na si Yvonne na sumisigaw ng tulong. Nagkasalubong ang parehong luhaang mata nila. Tumalim ang mata nito at tumaas ang kamay para sampalin sana siya pero umatras siya at tumakbo papunta sa direksiyon ni Langdon. Hinabol niya ang lalake na natagpuan niya sa harap ng kotse nito sa parking lot.
Pikit-matang tinawid niya ang pagitan nilang dalawa at sinugod ng yakap ang likod nito. She back hugged him while softly crying. Isinubsob niya ang mukha sa damit nito. Kagyat ang paglukob ng ginhawa at sekyuridad sa kaniya.
Sinubukan nitong baklasin ang mga kamay niya kaya mas hinigpitan niya ang kapit dito sa bewang at pinakawalan ang tunay na nilalaman ng puso niya magmula nang unang beses na masilayan ito.
Hindi na niya kaya ang lungkot na mawalay dito. Hindi niya na kaya ang pangungulila.
"Don't leave me," pakiusap niya sa mahinang tinig. "Take me with you, Lang. Please. I can't bear not seeing you, Lang."