16

1073 Words
Kahit sobrang nasasaktan at tuliro sa mga bagay-bagay ay nagawa pa rin niyang bumalik sa Cerro Roca. Hindi na siya nagpahatid sa mga taong naghihintay sa kaniya sa labas ng hotel. She rented a small room for a month beside their previous village using her remaining money in her card. Iniwan niya ang tseke ni Langdon sa kama. Sa ilang mga araw ay wala siyang ginawa kundi umiyak at magmukmok para sa kabiguan sa pag-ibig. On the fifth day, she tried calling her brother's cellphone but as expected, he didn't pick up. On the tenth day, she received a surprise message. "Cin, it's me. Magkita tayo." Iyon ang nakapagpanumbalik kahit bahagya ng enerhiya niya. Dumating siya sa sinabi nitong oras at tagpuan. Ilang minuto pa lang siyang nakaupo sa damuhan sa parke na nasa bungad ng Cerro Roca nang tumigil ang isang van sa harap niya at lumabas ang isang babae na kahit nakasuot lang ng t-shirt ay maaaninag pa rin ang tatak ng kaelegantehan ng isang Alcantara. Humahagulhol na sinalubong niya ng mahigpit na yakap ang pinsang si Tatiana. "I miss you so much my sweetest cousin. Ang tagal nating hindi nagkita," naiiyak nitong wika nang pagmasdan siya nito. Tatiana is still as beautiful as ever, the emerald of the family with a little more maturity and hardness on her face. "I miss you more. I miss mom and dad. I miss kuya so much. I miss our cousins... I miss Monte Vega, Tati. I badly want to go back to our home. Please let's go home, now." Parang batang umiyak siya sa harap nito. Nakakaunawang pinahid nito ang luha niya at muli siyang niyakap. "Oh, Cin. Ako rin. I wanted to fly home at this instant pero delikado pa rin." Pinakawalan siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat. "Nabalitaan ko ang nangyari kay Nathan kaya hinanap kaagad kita. Were you good? Healthy? Were you eating enough? Tell me." Gusto niyang magsumbong rito pero pinigilan niya ang sarili. Pare-pareho lang silang dumadanas ng hirap ngayon. Hindi man kita sa mukha nito pero alam niyang nagsasakripisyo rin ito. "I'm surviving. Don't worry about me. Si kuya, Tati. He needs our help. Mag-dadalawang buwan ko na siyang hindi ma-contact. Baka kung ano nang nangyari sa kaniya. He can't be dead. He's alive. I know because he promised me. Please help me. Help me locate kuya, please." "Leave it to me. May binayaran na ako para hanapin siya." Tumingin ito sa relo at sa van na naghihintay. "Cin, I can't stay here for too long. It's dangerous to see us together. Baka mas mapahamak ka. I only came to give you this and to ensure your safety." Hinubad nito ang suot na kwintas at inilagay sa kaniyang palad. "Take this. Ito na lang ang maiiwan kong tulong sa iyo. Sell it and use the money to rent another house. Then go back to Richard and work under him. Pinaalam ko na rin sa kaniya ang sitwasyon mo ngayon kaya alam na niya ang gagawin sa iyo." She hugged her so tight and kissed her head. "Take care, Alcindra. I'll be going." Bumitaw na ito sa kaniya pero hinabol niya ito at pinigilan sa kamay. "Saan ka pupunta? Tell me where, Tatiana. I don't know where are my parents and Nathan are. At least let me know where you're going. Please." Tumulo ang luha nito bago mariing umiling. "Sa malayo, Cin. Magpapakatatag para makabangon tayo. Our families need to regroup and I can't do that if I'm constantly hiding around. Promise me you'll survive this, na sama-sama tayong makakauwi sa Monte Vega ng buo at buhay. Babawian natin ang mga Asturia sa ginawa nila sa atin. Promise me." "I will." She seized her again by the face and looked her straight in the eyes, her expression became ferocious. "And never ever let yourself be lured by their kind. Sila ang dahilan ng lahat ng ito. They are murderers without souls walking in the daylight. Protect yourself from them, Cin. Promise me." Nagpakawala siya ng alanganing tango at guilty na ngiti. Huli ka na, Tati. I've already fallen for one back then until now. I already gave my all to an Asturia. "I should go. Take care of yourself, Alcindra. Magkakasama rin kayo ni Nathan." Nagyakapan uli sila saka ito tumalikod at sumakay sa sasakyan. "Mag-iingat ka," bulong niya sa alikabok na iniwan nito. Ibinuka niya ang kamay na may alahas at humugot nang malalim na hininga. Makalipas ang ilang oras ay kaharap na niya si Richard na nadestino sa bagong bukas na restaurant sa Cerro Roca. He instructed her to transfer to his place instead but she declined. She chose to rent in a single apartment near the restaurant where she'll be working as a dishwasher. He insisted that she should just lie low for now but she can't afford to just sit and think in the corner. Kailangan may gawin siya dahil baka mabaliw na siya sa samut-saring mga emosyon na umaalipin sa kaniya. That night, while alone again in her room, she opened the file of pictures to reminisce the memories of her childhood. Natatakot siyang makalimutan na niya ang mukha ng mga kamag-anak at kaibigan sa tagal na nilang hindi nagkikita. Lumabas ang maliit na ngiti niya nang makarating siya sa mga litrato ni Langdon. Hinaplos niya ang nakangiting mukha nito sa screen sa nanlalabong paningin. "Wala man lang akong bagong pictures mo. I didn't even get to keep something from you. Your shirt would be nice or your robe." Binalikan uli niya ang mga larawan. "All I have are our memories. Siguro nga ay sapat na iyon." Humiga siya at niyakap ang unan. Kinumutan niya ang sarili at pumikit. Maya-maya pa ay yumuyugyog na ang kaniyang balikat. Isinubsob niya ang mukha sa unan at pinakawalan ang masaganang luha. She recalled their first meeting, the way he protected her, those little moments when he would tell her to eat or to sleep, when he would just look at her blankly using his blue-green eyes, how she would cling at the hem of his shirt to find security—all those small things will remain just the way they are, just mere memories. Lumakas ang mabining pag-iyak niya kasabay nang pagtanggap sa sarili na hanggang doon na lang talaga sila ni Langdon. Wala nang karugtong. Iyon na iyon. I should be contented, she thought. At least I had the chance to be with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD