"Aalis ka na ba talaga ngayon, Cin? Pwede bang bukas na lang? Hindi pa kita naipapasyal sa mga magagandang lugar dito sa Cerro Roca, eh. Bakit ka naman kasi bigla-biglang aalis. Ang daya mo naman," ang mangiyak-ngiyak na bulalas ni Andrea na kinita niya sa isang kainan na malapit sa terminal ng bus kung saan niya hihintayin ang mga tauhan ng pinsan. "Kinontak na kasi ako ni kuya. M-Maayos na ang kalagayan niya sa Monte Vega kaya kukunin na niya ako rito," pagsisinungaling niya. Wala pa siyang natanggap ni isang tawag sa kapatid. Si Ate Lucy ang tumawag sa kaniya para ipaalam na ligtas na ang kaniyang kapatid pero napakahina pa nito para sunduin siya kaya sina Lucy na muna ang kukuha sa kaniya. "Hindi mo pa nga ako nairereto sa kuya mo tapos basta mo na lang akong iiwan ngayon? Hindi ako