Alas-kwatro pa lang ng umaga ay gising na siya para magluto uli ng paella. Nakahanda mula pa kagabi ang mga ingredients kaya madali na lang ang gagawin niya. This time she feels so confident about her cooking that Langdon has to really taste it. Sinubukan niyang huwag masyadong gumawa ng ingay dahil mahimbing itong natutulog sa sofa sa sala. Matapos magluto ay mabilis siyang naligo at lumabas ng bahay para mamitas ng bulaklak. Dinala niya ito sa kusina at nagsimulang ihanda ang mesa. Saktong alas-sais ng umaga ay magigising si Langdon. By then everything should be ready. Saglit siyang nagpahinga habang naghihintay sa paggising ng binata. Binuksan niya ang pinto at sumandal sa hamba nito. Nakangiting ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang nakaiigayang haplos ng banayad na init ng