Sa mga sumunod na araw ay naging malamig ang pakikitungo sa kaniya ni Langdon. Kibuin-dili siya nito sa mga pagkakataon na lumalabas ito ng silid. Pero kahit ganoon ay patuloy lang siya sa mga ginagawa. Parang walang nangyari na nginingitian pa rin niya ito, kinakausap kahit wala siyang nakukuhang sagot, at inaasikaso sa abot ng kaniyang makakaya. May nasisilip namang siyang pag-asa tungkol sa kaligtasan ng kuya niya. Ayon kay Zen ay may lead na sila kung nasaan si Nathan. Dahil kulang sa pera at resources ay hindi pa nila agad-agad mapupuntahan ito. Nagpapasalamat siya dahil nahihimigan niya sa boses ng pinsan na malapit na nilang makita ang kapatid. Sigurado rin ang mga pinsan na buhay si Nathan. Abot-abot ang pasasalamat niya dahil doon kaya buong magdamag siyang nagdasal para magpas