CHAPTER 44 Gamit ang GPS locator na inilagay ni Ronniel sa pag-aaring cell phone ni Arianna ay natunton nila ang lugar kung saan naroon ang dalaga, maging ang kanilang anak na si Rafael. Ang naturang lugar ay matatagpuan sa isang malayong barangay sa may Bulacan. Hindi sila nahirapan hanapin dahil na rin sa inilagay niya sa aparato ng dalaga. Malayo pa lang ay itinigil na nila ang kanilang mga dalang sasakyan. Kasama niya si Major Ariel, na kahit pinayuhan niya na magpaiwan na lang at huwag nang sumama ay hindi rin naman pumayag. He was worried like him, as well. Alam niya na bahagya itong nakaramdam ng pagsama ng timpla ng katawan dahil sa balitang nalaman kanina. At naiintindihan niya kung bakit. Kahit sinong ama kapag nalaman na nasa panganib ang anak at apo nito ay ganoon din ang ma