Bago sumapit ang tanghali muli ay nakabalik na sina Erman at Rena sa water falls. Muli silang naligo. Parang walang nangyaring panganib dahil wala man lang siyang nakitang galos sa katawan ni Erman. Natural marahil sa katulad nito na mabilis humihilom ang sugat. Siya naman ay mga mga pasa sa braso at binti. May mga galos din siya kaya nang lumubog siya sa tubig ay mahapdi iyon. Hindi siya nakatagal sa tubig. “Are you hungry?” tanong ni Erman nang umahon na rin ito at tinuyo ang katawan gamit ang hinubad nitong damit. Mabuti na lang nakita pa nito ang bag niya sa gubat. Nakapagpalit siya ng underwear at jogging pants. “Yeah,” walang buhay niyang sagot. “Nauuhaw rin ako.” “Puwedeng inumin ang tubig sa bukal. Malinis iyon,” anito. Nasa likuran niya si Erman habang nagbibihis siya. Hirap