AKALA ni Rena ay panaginip lang niya na hinahalikan siya ni Erman. Nang magmulat siya ng mga mata ay nagtama ang paningin nila. Bumitiw ito sa mga labi niya at akmang lalayo ngunit maagap siya sa pagpigil sa kaliwang braso nito. Dagli siyang umupo at hinila ito para makaupo sa tabi niya. “I’m leaving,” he said in a cold tone. “Please stay with me for a while,” samo niya rito. “Hindi ako puwedeng magtagal.” Natakot siya na baka kapag umalis ito ay hindi na siya babalikan. Naging desperada siya dahil sa nagsisilakbo niyang puso. Isang araw lang hindi nagpakita sa kanya si Erman ay para siyang masisiraan ng bait. Miss na miss na niya ito. There’s a point that she needs to ask herself about her feelings. And she was convinced that she’s falling in love with him so badly. Ikinawit niya an