Nagtatakang napalingon si Yuan kay Aya. Nakapanibago na kanina pa ito tahimik. Nakahiga lang ito sa kanyang sofa at tulalang nakatitig sa kisame. Kapag ganitong tutok na siya sa kanyang laptop ay dapat sana nagpapansin na ito sa kanya. Mayroon na magpapakandong ito sa kanya, hihilutin ang ang ulo niya o 'di kaya'y yayakap sa kanya mula sa likuran. Pero ano'ng nangyari at wala yata itong energy ngayon? Hindi na siya nakatitiis at nillapitan niya ito. Inangat niya ang ulo nito para maka-upo siya at para na rin gawin unan nito ang kandungan niya. Masuyo niyang pinindot ang ilong nito. "Mukhang malalim yata ang iniisip natin ah?" "Ang weird lang kasi ng mga tao sa bahay. Until now bothered pa rin ako sa narinig kong pinag-uusapan nila Mommy at ate Ariane ko." "Ano ba pinag-uusapan nila?"