Gustong manliit ni Aya sa mga babaeng nakapalibot kay Yuan. Lahat magaganda at sexy. Biniyayaan pa ng mahahaba at flawless na legs na lantad sa mga suot na mini-skirt. Alam niya na marjority sa mga babaeng nanonood ng motor race ay mga socialite. Nakakapagtataka na kaswal naman ang mga kasuotan ng mga ito gaya ng mini-skirt or skinny jeans na pinarisan lang ng sphagetti strap blouse at ang mga buhok ay tulad sa mga Hollywood actress na tila sa pamamagitan lang ng kamay sinuklay pero ang glamorosa pa rin tingnan. Lihim niyang tiningnan ang sarili. Nagmistula siyang naligaw na bata do'n lalo na sa suot niyang sky blue jumper at pink shirt sa panloob. May pink sling bag pa siya na may nakakabit na stuff toy na si Pororo. Kung ang mga babaeng nando'n naka heels, siya naman ay naka rubber shoe