Pangiti-ngiti lang sa isang tabi si Aya habang tinitingnan ang mga kasamahan niya sa trabaho na nag-aagawan sa mikropono para maka-kanta sa videoke machine. Nakainom na ang mga ito kaya makukulit na. Sila-sila lang sa ang imbitado sa late birthday celebration na iyon ng kanilang Manager dahil kahapon talaga ang birthday nito at may ginanap na handaan sa bahay nito. Mga piling bisita lang ang imbitado. At dahil sa parinig ng dalawang kitchen helper na sina Ed at Lito na hindi man lang daw nakatikim ng letson kaya na obliga ang Manager na pa-birthday ulit at sa laking tuwa ng lahat ay sa beach pa ginanap. At dahil birthday naman nito ay pinayagan sila ni Hannah na magsara muna ng Isang araw at mag-ha-half day kinabukasan dahil napagkasunduan nila na susulitin nila ang pagkakataon na ma