"It's Gab birthday, I need to go there please, honey." Napailing si Yuan sa lambing na iyon ng nobya. Niyakap pa siya nito. Katatapos lang nila sa kanilang wedding rehearsal at kasalukuyan nagmo-movie marathon sa bahay nito. Ayaw niya itong payagan sa beach resort na venue ng birthday ng Manager nito sa bakeshop dahil malayo at isa pa hapon na. Hindi na nito kakayanin pang bumalik pauwi at doon na magpapalipas ng gabi gaya ng plano ng mga staff nito. Hindi siya istriktong nobyo. Binibigyan niya ito ng kayo sa mga desisyon o gustong gawin sa buhay. Ngunit gusto nitong sumama siya dahil delikado daw bumiyahe ito ng mag-isa, Tama naman ito. But overnight with Aya's around? For God's sake! Tumayo si Hannah. Pumunta sa kusina. "Hon, tulungan mo naman ako dito." sigaw nito mula doon. Agad n