Katatapos lang kausapin ni Aya si Manager Gab. Inabot niya dito ang resignation letter niya pero hindi nito tinanggap dahil peak season na daw at malapit na ang pasko. Kailangan daw nito ang efficient employee tulad niya. Nakiusap ito sa kanya at pumayag naman siya dahil ilang araw lang naman ang hinihingi nito. Gusto na niyang tanggalin ang anumang tali na mag-uugnay sa kanila ni Yuan. Oras na makabalik siya sa Amerika ay susubukan niya ang lahat ng paraan para makalimot. Nawala na ang kahit konting pag-asa sa puso niya dahil sa balitang mas pinaaga pa ni Yuan ang schedule ng kasal nito. It was two weeks from now. Nag released din ng Christmas Edition ang isang magazine kung saan na feature ang magiging bahay nina Yuan at Hannah bilang mag-asawa. It was a huge beautiful house that ev