Sinibasib siya ng halik ni Yuan sabay tulak sa kanya papasok sa loob ng C.R. Nagrinig niya ang pag-click ng pinto - indikasyon na ni-lock nito ang pinto. Sinubukan niyang kumuwala dito. Nagpumiglas siya. Tinulak ito. Pakiramdam niya ay dinadaan siya nito sa dahas. At ayaw niyang mawalan ng respeto sa sarili kung bibigyan niya ito ng permiso na gawin ang kung ano ang gusto nitong mangyari. Huminto naman si Yuan. Bahagyang umatras. At ganoon na lang ang paglusaw ng puso ni Aya nang makita ang samu't-saring emosyon na mababanaag sa mga mata nito. Pananabik. Pagsuyo. Pagsumamo. Malayo sa Yuan na laging matalim na nakatitig sa kanya. Naitakip niya ang palad sa kanyang bibig sa pagpipigil ng iyak. "Yuan..." Hindi na siya nakatiis at kusa ng gumalaw ang mga paa niya upang makalapit sa binata