"Mukhang 'di kaya yata hiyang dito, gurl! Yuck! Ang eyebags kadiri." Natawa si Aya sa kanyang fake husband - si Marco. Umuwi din ito sa 'Pinas para bisitahin ang magulang nito sa Negros. Pero ilang araw lang ito doon at agad na siyang hinanap para bulabugin na naman ang nanahimik niyang mundo. Ang kapal ng mukha, nakitira pa sa bahay nila total asawa naman daw siya nito. Ayaw nito sa magulang nito sa probinsya dahil wala daw fafang na gwapo. Pinagbigyan na niya total hindi naman ito magtatagal at babalik din sa Amerika. Kung sabagay blessing na rin siguro ang pagdating ni Marco dahil malaki ang naitulong nito. Nakakatulong ito sa pagbabantay sa kanyang ina sa hospital. Nagkaroon din sila ng instant maid at cook sa bahay. Naglalaway nga ang ate Ariane niya dahil kung nagluluto ang k