Sa awa ng Diyos ay na revived pa ang ina ni Aya. May ilang araw din itong nasa ICU bago inilipat sa private room. Ang sabi ng doctor ay malakas daw ang fighting spirit ng kanyang ina. Lumalaban. Ilang beses itong nawawalan ng pulso pero muli din bumabalik. Tila gusto daw talagang mabuhay. Kung siya talaga ang tatanunngin, ay ayaw na niya itong makitang nahihirapan. Masakit para sa kanya na nakikita itong machine na lang ang bumubuhay. Pero lumalaban ito dahil nabanggit nito sa kanya na gusto nitong makabawi sa lahat ng kalupitan nito sa kanya. At baka raw pwede pang itama ang lahat. Kakausapin daw nito si Yuan. Ayaw niya itong paasahin kaya pinagtapat niya dito na walang balikan na mangyayari dahil nakatakda ng ikasal ang dating nobyo. Speaking of Yuan, hinatid lang siya nito pero hin