Naiilang si Aya habang lulan ng kotse ni Yuan kaya pinili na lang niya na ibaling ang paningin sa bawat madaanan nila. Kanina pa tahimik si Yuan, habang siya ay kanina pa sumusubok na magbukas ng pwede nilang mapag-usapan. Alam niyang kontento na ito at masaya sa piling ni Hannah kaya hindi na tatanunngin dito kung kamusta na ito. Pero marami siyang gustong itanong gaya ng kung ganap na ba siyang nakalimutan nito? O kung may damdamin pa ito para sa kanya? Ngayon na kay lapit lang nito, abot kamay lang. Tila gusto niya itong yakapin, umiyak sa harap nito at mamalimos ng pag-ibig - kahit onting-konti lang ay masaya na siya. Matagal na niyang hinangad na makitang muli si Yuan pero hindi sa ganitong sitwasyon na puro galit ang makikita niya sa mga mata nito. Oo nasaktan ito, Pero nagdu