Hindi na siya nagulat pa nang ipatawag siya ng Don at nais daw siyang makausap. Alam na niya ang sasabihin nito sa kanya. Nakapag-chat na kasi si Kenzo sa kanya kanina. Nakausap na nito ang Don at okay na ang lahat. Balik na siya sa kanyang trabaho. Makakasama na naman niya si Kenzo at kikita pa rin siya. Ang mensahe ni Kenzo, maikli pero malinaw: _Okay na. Balik ka na bukas. See you._ “Aila!” tawag sa kanya ng Tiyahin. Galit na naman ang tono nito. Ang boses ng Tiyahin niya, parang laging may iniingatang galit. “Bakit po, T’yang?” tanong niya rito nang huminto siya sa paglalakad at sulyapan ito. Ang mga kamay niya, pinagpapawisan. “Ano na naman ba ang ginagawa mo at pinapatawag ka ng Don?” galit na tanong nito. Alam niyang concern lang ang Tiyahin niya sa trabaho nito. Katulad din

