“Bigyan mo ’ko ng magandang rason, Kenzo, para ibalik ko si Aila sa trabaho niya sa iyo,” saad ng Don sa kanya nang kausapin niya ito na ibalik si Aila sa pagbabantay sa kanya. Dahil kahit ilang beses pa lang niyang nakasama ang dalaga, ay nakasanayan na niyang kasama ito. Isama pang marami pa silang gagawin ni Aila. Hindi pa sila nito tapos sa kanilang laro. Marami pa silang larong lalaruin. Bagay na nagpapa excite sa kanyang buong katawan, particular sa kanya pagkalalake. Kapansin-pansin ang pagiging marupok, mapusok, at mainit ni Aila pagdating sa kanya. Bagay na kinatutuwa niya. Senyales na hindi siya mahihirapan sa dalaga at panigurado na ang kanyang panalo kay Jake. Matatapos ang lahat ng gulong pinasok niya. Ang isip niya, nagbibilang na ng araw. “Kailangan ko po si Aila, Lo. K

