“Saan ka ba nanggaling kagabi, Aila, at hinahanap ka ni Sir Kenzo?” tanong sa kanya ng Tiyahin nang kinabukasang magising siya at makapaghanda na para sa trabaho sa mansyon. Linggo ngayon kaya kumpleto sa bahay ang mga amo nila. Nariyan ang Don, ang Papa ni Kenzo, at si Kenzo. Ang buong mansyon, maingay na. “May pinuntahan lang po ako, Tiyang,” tugon niya. Ang boses niya, sinadyang pinalamig. Hindi na nais humaba pa ang usapa nang makaiwas siya sa pag-uusisa nito. “Eh bakit magkasama kayong umuwi ni Sir Kenzo? Saan kayo nagpunta? Pinuntahan ka ba niya?” sunud-sunod na tanong nito sa kanya. Ang mga mata ng Tiyahin niya, mapanuri. Na para bang nagdududa na. Hindi siya agad nakakibo. Maraming nangyari sa kanila ni Kenzo kagabi at lahat ng iyon ay hindi pwedeng malaman ng Tiyahin niya o

