“Thank po talaga, Sir Kenzo. Sobrang busog po ako,” pasalamat niya sa amo nang palabas na sila ng fast food at may bitbit pa siyang take out. Naparami kasi order niya para kay Kenzo at halos hindi man ito kumain. Baka hindi nito type ang mga ganoong klase ng pagkain, lalo na’t namulat ito na puro sa restaurant at masasarap ang kinakain. Ang mga pagkain, nakita niyang halos hindi ginalaw ni Kenzo. Hindi naman din masasayang dahil siya ang kakain mamayang gabi. Sobrang busog na kasi siya at hindi naman din kakainin iyon ng Tiyahin niya dahil healthy living ito. Takot na takot itong magkasakit. Pakiramdam kasi nito, matanda na ito eh forty-five pa lang naman ito. Bata pa ito kung tutuusin. Pwede pa nga itong makapag-asawa kung gusto lang nito. Pero marahil ay kontento na ito kaya hindi na

