“Masarap, ’di ba?” nakangiting saad ni Aila sa kanya habang magana itong kumakain ng malaking hamburger na in-order nito. Sinabi pa nga nito na minsan lang naman daw niya ito ililibre at hindi naman daw kabawasan sa yaman niya kaya nag-order na raw ito ng pinakamahal at special na burger, at marami pang in-order na ibang pagkain. Lahat na yata ng nasa menu, in-order na nito. Ang mga pagkain, halos mapuno na ang mesa nila. Alam niyang hindi naman ito nananamantala. Nasiyahan lang siguro, marahil dahil nga kahit na may trabaho na ito, hindi naman ito madalas kumain sa mga ganoong klase ng fast food. Hindi naman mahal, hindi rin naman mura—sakto lang naman. Pero baka nga, sa iba, mahal na ang ganitong klase ng pagkain. Ang saya ni Aila, totoo at walang halong pagpapanggap. “Oo, masarap

