Tahimik lang si Aila habang nasa biyahe at naghahanap siya ng restaurant na pwede nilang kainan. Ang mga gusali sa labas, matataas at makintab. Ang mga ilaw, kumikislap kahit tanghali pa lang. Pasimple pa nga niya itong sinusulyapan na busy naman sa pagtanaw sa labas ng bintana. Ang mga mata ni Aila, malaki habang pinagmamasdan ang mga tindahan, ang mga tao, ang mga bagong building. Maganda, tahimik, maaliwalas, at asensado ang bayan ng San Juan. Hindi pa man ito siyudad pero dahil sa asensado na ito, sa dami ng mga commercial buildings at mga condo, ay para ka na ring nasa siyudad. Ang mga kalsada, malapad at walang lubak. Hindi na siya magtataka kay Aila. Mas nais nitong ma-enjoy ang pagtanaw sa labas ng bintana kesa sa kausapin siya nito. Ang mga daliri ni Aila, nakadikit sa salam

