Pag ganito siya kalapit kay Aila, hindi rin niya magawang pigilan ang kanyang pagnanasa sa dalaga. Sa dami na ng mga babaing natikman niya na madali lang niyang nakuha, ay hindi naman ganito ang nararamdaman niyang init sa katawan. Kay Aila kasi, pakiramdam niya, sa tuwing madidikit siya sa dalaga ay nais na niya itong angkinin. Parang may something na hindi niya maipaliwanag at hindi niya mabigyan ng pangalan sa ngayon. Ang balat ni Aila, isang dangkal lang mula sa kanya. Babae lang din naman si Aila pero iba ang pagnanasa at kagustuhan niyang maangkin ito. Ang dibdib niya, sumisikip sa init. Nasasabik sa magandang dalaga. “Hindi ako katulad ng mga lalaki sa kinalakihan mong probinsya, Aila,” saad pa niya sa dalaga habang halos magdikit niya ang kanilang mga labi sa sobrang lapit niya

