“Aila, ikaw na nga gumising kay Sir Kenzo. Kanina pa kasi siya hinahanap ng Papa niya,” utos sa kanya ni Manang Patris habang nagpupunas siya ng plato na nahugasan na niya kanina matapos ang almusal ng Don at ng anak nito. Hindi nakasabay si Kenzo sa almusal dahil hindi pa ito bumababa para kumain. Marahil tulog pa rin ito hanggang ngayon dahil sa dami ng ganap kagabi. Ang mga plato, kumikislap na sa punas niya. Nakapag-report na nga siya sa Don nang mga ginawa ni Kenzo sa frat house. At siyempre kailangan niyang i-skip ang ganap sa kanila ni Kenzo. Hindi niya pwedeng ipaalam sa Don ang tungkol sa kanila ni Kenzo. Baka mawalan siya ng trabaho at mapalayas pa. Paniguradong madadamay pa ang kanyang Tiyahin na wala na ring ibang mapupuntahan pa. Nabanggit sa kanya ng Don na bantayan pa

