“Mali po ito, Sir Kenzo,” saad niya sa amo na nakatunghay sa kanya habang nakahiga siya sa buhanginan at nasa ibabaw niya ito. Ang buhangin, malamig at magaspang sa likod niya. Ang bigat ni Kenzo, pinipigil ang paghinga niya. Hindi niya ito maitulak palayo sa kanya dahil hawak nito ang dalawa niyang kamay na nakataas sa may ulo niya. Ang mga daliri ni Kenzo, mahigpit sa pulso niya. Hindi masakit, pero hindi siya makawala. Hindi man niya gusto, pero hindi niya mapigilan ang pagtaas-baba ng kanyang hinaharap. At sumasagi sa malapad na katawan ni Kenzo. Ang jacket, nakabukas na. Ang puting t-shirt, dumidikit sa balat niya sa bawat paghinga. “Huwag kang mag-alala, Aila. Wala naman akong gagawin sa iyo. Hindi ako ang tipo ng lalaki na namimilit ng babae. Hindi ko pinipilit ang mga babaing

