“Wala bang lalaki sa probinsya niyo at wala kang naging boyfriend ni isa?” tanong niya kay Aila. Ang boses niya may pang-uuyam pero may kuryosidad. “Hindi po ako easy to get. At lalong hindi-hindi po ako kagaya ng mga babae sa fraternity niyo!” tugon nito sa kanya. Nahimigan niya ang inis sa tinig nito. Mukhang nainis sa nasabi niya. Nakakapagtaka lang kasi na sa ganda naman nito, ni minsan hindi pa pala ito nagka-boyfriend. At siya pa ang unang lalaking nakahalik dito. Eh hindi lang naman niya ito basta hinalikan kanina. Nahawakan na rin niya ang hinaharap nito na masasabi niyang malaki at nagustuhan niya ang lambot. Ang init ng balat ni Aila, nananatili pa sa palad niya. “Bakit, ano ba ang mga babae sa fraternity?” tanong niya rito kahit na-gets naman niya ang ibig nitong sabihin.

