Kinabukasan may pasok na siya sa University at maaga siyang kumilos para agad matapos ang mga gawain niya tuwing umaga bago pumasok sa University. Kailangan pa rin kasi niyang tumulong sa mga gawain sa mansyon kahit may pasok siya. Pag ganitong may klase, ganoon pa rin ang oras ng pagbangon niya. Alas-singko ng madaling araw para masimulan na ang mga gawain sa mansyon kasama ang iba pang kasambahay. Ang katawan niya, sanay na sa pagod. Ang isip niya, kay Kenzo pa rin. Sanay na siya sa mga gawain at hindi naman siya nagrereklamo. Kahit pagod at nais pa sana niyang matulog, hindi naman siya nagrereklamo dahil ito ang kanyang trabaho. Ito ang dahilan kung bakit siya nakakapag-aral at nagkakakain ng tatlong beses sa isang araw. May maayos at malinis na higaan, isama pang safe siya. Ang tra

