“Aila, anong ginagawa mo diyan?” Nagulat siya nang paglabas niya ng gym, nakita niya ang Tiyahin sa labas na naglilinis. Ang basahan sa kamay ng Tiyahin niya, mahigpit na hawak. Ang mukha nito, nakasimangot. “Ho… Ah… eh… naghatid po ng tubig kay Sir Kenzo,” tugon niya sa Tiyahin na masama na naman ang tingin sa kanya. At hindi na siya magtataka pa kung pinag-iisipan na siya nito ng masama. Ang mga mata ng Tiyahin niya, parang scanner. Marami na rin kasi siyang nagagawang hindi tama. Ganoon pa man, kahit alam niyang mali at hindi tama, eh patuloy pa rin niyang gagawin. Dahil nag-e-enjoy siya. May thrill. At tila siya nasasabik sa bawat susunod na gagawin nila ni Kenzo. Ang katawan niya, buhay na buhay. Ang isip niya, kay Kenzo pa rin. Kakatapos pa nga lang niya sa bagong karanasan pero

