Alam niyang ganito talaga pag mga mayayaman party doon, party dito. Actually hindi lang basta party ang nakikita niya ngayon sa yatch party na ito, para sa kanya may pagka wild ang tema ng party. Kahit pa sabihin na isa siyang probinsyana alam naman niya ang difference ng party sa wild party. Karamihan kaseng nakikita niya mga lalake at babae na naghahalikan at kung anu-ano pa ang ginagawa, isa na doon ang amo niya at girlfriend nito. Na kung makatuka sa isat-isa ay parang wala ng bukas na para bang sabik na sabik at matagal hindi nagkita eh mukhang araw-araw naman magkasama ang dalawa. Hindi na rin siya magtataka pa kung bakit inalok siya ni Kenzo ng extra bayad dahil paniguradong i re-report niya sa Don ang ganitong activity nito at paniguradong matatakot ang Don, dahil iniiwasan nitong

