Sinama niya si Aila sa party at pinakilala niya itong Personal Assistant imbes na yaya o Personal Maid na siyang papel nito talaga dahil pinababantayan siya ng kanyang lolo rito. At first, ok naman sunod lang ng sunod sa kanya sa party at hindi naman siya na bo-bother rito, isa pa nakapag usap na rin sila nito kung ano lang dapat ang i report nito sa lolo niya. Sinuswelduhan din niya ito para mga magagandang bagay lang ang i report nito sa lolo niya. Sa ngayon kase nais niyang mag rebelde sa Don at sa kanyang Papa, dahil pinaalis ng mga ito ang kanyang Mama sa mansyon. Nais niyang sirain na ang kanyang buhay at isisi sa mga ito ang kawalan niya ng dereksyon. Pero dahil inaalala din niya ang kanyang Mama na paniguradong malulungkot kung tuluyan niyang sisirain ang kanyang buhay. Isama pang

