“Bitiwan mo ’ko,” inis niyang saad sa lalaking mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. Ang mga daliri ni Romy, bumaon sa balat niya. Pinagsisisihan niyang umakyat pa siya sa rooftop na iyon. Hindi naman din kasi pumasok sa isip niya na sa ganitong oras naroon ang mga frat boys na ito. Aware siyang hindi siya allowed umakyat doon dahil hindi naman siya member ng frat. Naisip lang naman niyang umakyat para sana magpahangin saglit. Dahil noong dinala siya ni Kenzo roon, nagustuhan niya ang ambiance. Napaka-peaceful kahit pa ang mga nagmamay-ari ay hindi mga peaceful. Ang tanaw, malawak. Ang hangin, malinis. Nakatingin sa kanya ang lahat ng naroon. Pati na si Kenzo na paniguradong magagalit sa kanya mamaya. Ang mga mata ni Kenzo, nag-aapoy na. “Aila,” tawag sa kanya ni Jake. Sa lahat pa

