“Mukhang nalalapit mo nang makuha si Aila, huh,” saad ni Jake sa kanya nang magtungo ang grupo nila sa rooftop kung saan ang hideout nila pag nasa University. Mga frat members lang nila ang allowed na umakyat doon at mag-stay. The rest na estudyante sa University na hindi nila ka-grupo ay bawal. At kung may magtangka man, may kalalagyan. Ang rooftop, teritoryo nila. “Bakit, kinakabahan ka na ba?” mayabang niyang balik-tanong dito. Ang boses ni Kenzo, puno ng kumpiyansa. “Kabado ka na ba kung saan kayo lilipat ng frat house?” tanong pa niya at ngumisi dito. Ang ngisi ni Kenzo, mapanghamon. Ngumisi rin si Jake sa kanya at may kinuha sa bulsa nito. Stick ng sigarilyo at lighter. Inalok pa siya nito pero tumanggi siya. Wala siya sa mood mag-smoke ngayon. Lalo na’t malapit na ang uwian

