ITINULAK ni Corbin ang inuupuan niyang swivel chair palayo sa computer table nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa. Indikasiyon na may tumatawag. Nasa headquarters siya. Kasalukuyan niyang pinag-aaralan ang kaso ng Mafia sa bansa. Kailangan niyang makahanap ng paraan upang mapasok ang naturang grupo. Gusto niyang tulungan ang kanyang nobya. Numero at pangalan ni Eliza ang nakarehistro sa screen ng kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag. “Yes, Sweetheart? Bakit ka napatawag?” “Wala. Gusto ko lang marinig ang boses mo.” Nagmistula siyang kinilig na binatilyo sa sagot ng kanyang nobya sa kabilang linya. Ngumiti. “Na-miss mo na kaagad ako?” “Yes, I love so much, Corbin. Lagi mong pakatandaan iyan.” Naupo siyang ng matuwid. Nawala ang