HINDI nakatiis si Iza, inilabas din niya ang kanyang saloobin kay George. Bawat pagtatama ng mga mata nila ay tila bumubuo ng lakas upang ungkatin ang kanyang damdamin. “Mahal pa rin kita, George, pero hindi na puwede. Pinakawalan na kita. Tanggap ko nang wala na tayo, 'tapos heto ka… you’re ruining me again. You don’t have an idea what damages you had done to my life. I suffered alone,” puno ng emosyong pahayag niya. She can't help but let her tears escape from her eyes. Mabuti na lang patapos na silang kumain. Naninikip ang dibdib niya, tila may milyong karayom na tumutusok sa kanyang puso. Mas masakit iyon kumpara noon kaysa noong sariwa pa ang sugat na iniwan nito sa kanyang puso. He just reminding her about the painful scenario. Tila muling sinugat ang peklat ng kahapon, and she r