DALAWANG araw lang naglagi sa Lipa si Iza at bumalik kaagad siya ng Maynila. Okay lang naman kung hindi siya madalas mag-report sa opisina dahil may naka-assign naman na magtrabaho para sa ibang trabaho niya. Kung si Argius pa ang masusunod, gusto nito na kasama lang siya nito palagi. Hindi naman puwedeng ganoon sa kanya. Gusto rin niyang magtrabaho para sa sarili niya. Nagkasundo sila na hindi niya gagalawin ang pera ng Orchedia. Suweldo lang niya bilang CEO ang kukunin niya. May pride pa siya sa lagay na 'yon, ah? Pinapabayaan siya ni Argius sa gusto niya, pero alam niya na inaalam pa rin nito ang mga kilos niya. Nainip sa opisina si Iza kaya nagbabad siya sa social media. Sumali siya sa group chat ng mga college friends niya. Matagal-tagal din na hindi siya nakikipagkita sa mga ito. L