NAGING abala si Iza sa sunod-sunod na seminar at hands on siya sa mga empleyado. Simula noong pumuntang Cebu si Argius ay hindi pa sila nagkikita. Nabalitaan na lang niya mula kay Antonio na nasa Italy na naman si Argius. Gusto sana siya nitong isama pero idinahilan niya na marami siyang trabaho. Tinawagan siya nito noong isang araw bago ito umalis. Akala niya ay hindi ito magtatagal doon. Habang wala si Argius, sinamantala ni Iza ang pagkakataon na makadalaw sa pamilya niya sa Lipa. Tumawag naman siya rito at ipinaalam na dadalawin muna niya ang kanyang kaanak. Pumayag naman ang binata basta may kasama siyang bodyguard. Hindi pa siya handang ipaalam sa papa niya ang tungkol kay Argius kaya hiniling niya sa bodyguards niya na huwag itong magpakita sa kaanak niya. Tuwang-tuwa naman ang mg