“PAKASAL na tayo, Iza…” Paulit-ulit iyong naririnig ni Iza. Parang silang plaka na umuukilkil ang salitang iyon sa tainga niya maging sa kanyang utak. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya kay Argius. Kumakabog ang dibdib niya. Nag-e-enjoy siya sa relasyon nila pero hindi ni minsan sumagi sa isip niya ang kaagad na pagpapakasal. Hindi ganoon kabilis pero hindi rin niya masasabing ayaw niyang magpakasal. Malaki-laki na rin ang pundasyon niya sa relasyon nila ni Argius. Naka-base rin kasi siya sa naging relasyon niya kay George. Tumagal sila ng ilang taon bilang magkasintahan pero wala pang planong kasal. Inaamin niya na nag-asam siyang alukin siya nito ng kasal pero ayaw niyang pangunahan ang binata. Nabanggit nito ang kasal pero hindi nila sineryoso. Umaasa siya na maiintindihan di