ANG tagal namang bumalik ni Argius. Naluto na lahat ni Iza ang putahe. Inihanda na niya sa dining table ang mga niluto niyang putahe. Wala silang kanin, pasta and baked tomatoes ang carbohydrates nila, healthy right? Noon lang siya nakapagluto ng walang ginamit na artificial flavoring, since walang ganoon sa kusina ni Argius. Ayaw nito niyon. Wala namang kasamang artificial flavoring sa recipe na pinagkopyahan niya. Mga herbs lang at spices na mabuti ay kompleto sa kusina ni Argius. But in fairness, ang sasarap! Masarap talaga ang pagkain na may sangkap na cheese. Excited na siyang matikman ni Argius ang niluto niya at marinig ang hatol nito. The food she had prepared must be eats hot. Hindi siya nakatiis, tinawagan niya si Argius. Nagri-ring pa ang cellphone nito ay narinig na niyang b