C-37: On vacation

1710 Words

Sama-samang kumain ng dinner sina Dion at ang lahat. At hindi rin pinayagan ni Dion na sa vip customers area sila kumain. Kagaya nga ng unang kagustuhan nito na gusto niyang maranasan ang buhay ng normal na mamamayan, mga kagaya nina Neptali walang iniisip na malaking responsibilidad sa buhay. "Mukhang masasarap ang lahat ng mga ito, Senyorito!" namimilog ang mga mata ni Marga habang sinasabi iyon. Natawa naman si Dion. "Wala namang hindi masarap sa'yo dahil sa magana kang kumakain. Lantakan mo na habang mainit pa ang mga iyan!" sagot nito. Wala ngang pakiyemeng nilantakan ni Marga ang mga nakahaing pagkain. May malalaking sugpo, seashells, preskong mga gulay na lutong pinakbet. Mayroon ding tinatawag na "papaitan" sa Ilocano. Karne ng kalabaw, may atay at ilang bahagi na may sabaw at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD