Kay ganda ng umaga para kay Neptali, nakatulog kasi ito nang mahimbing kahit na bago pa lang siya sa hotel ng Baguio. Panatag kasi ang loob nitong matulog nang walang iniisip dahil alam naman niyang walang dapat ikabahala. Pagkatapos maghilamos ng dalaga ay lumabas na ito mula sa kanyang kwarto. Siyempre ginamit na niya ang cosmetics na ibinigay ni Dion sa kanya. Status ang dalaga dahil mukhang naitatago ng cream ang ibang bahagi ng kanyang peklat sa pisngi. "Good morning to all!" bati ni Neptali sa kanilang kasamahan na nadatnan niya sa cafeteria ng nasabing hotel. Doon kasi sila maghintayan para sa kanilang pagkakapeng lahat. Ngumiti naman lahat at binati din nila ang dalaga. "Hindi pa ba gising si Senyorito?" tanong ni Neptali kina Marga nang makaupo ito. "Gising na siya, magkasunod