"Good morning, babe." Hanggat kaya pa'y makikipag-communicate ako kay Happiness. Kasalukuyan kaming nasa biyahe habang si Happiness na nasa kabilang linya ay kagigising lang. She's so beautiful. Parang gusto ko na ngang bumalik sa San Ildefonso at samahan ito sa kama at maghapong yakapin ito. "Morning, babe." Antok na ani nito. "Oh, hindi ka ba nakatulog nang maaga kagabi?" curious na tanong ko rito. "No. Binantayan ko kasi si Lily. Nag-inom." Anak ng... si Lily ang inutusan kong magbantay sa kasintahan ko. Pero mukhang baliktad ata ang nangyari. "Where is she now?" "Nasa sala... sa sahig. Hindi ko kasi siya mabuhat kagabi para maisampa sa couch. Kaya iniwan ko na lang siya sa carpet. Pero don't worry. Binigyan ko siya ng kumot at unan." "Babe, hindi mo trabaho iyan. f**k, mali nga t