PAKANTA-KANTA lang ako habang naglalakad sa dalampasigan at namumulot ng shell para gawing anklet at nang sa gano'n ay mapanlibangan naman ako buong araw kaysa ang magmukmok na lang na sa loob ng bahay at tumulala sa karagatan. It's been 2 weeks now mula nang dalhin ako ni William dito sa Isla na 'to na walang katao-tao, pero masasabi kong hindi na rin masama kumpara sa bahay na unang pinagdalhan niya sa akin. Dito sa islang 'to ay may magandang view, tahimik, masarap ang simoy ng hangin, at kahit papaano ay malaya akong nakakalabas ng bahay kapag gusto ko. Iyon nga lang ay hindi naman ako makakatakas dahil hindi naman ako marunong magpatakbo ng boat, at bukod doon ay binabalaan din ako ni William na oras na tangkain ko pang tumakas ulit ay tutuluyan niya na ako, papatayin na niya. I was